“Paano Mo Makikita ang Diyos sa Iyong Buhay?,” Liahona, Dis. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Mo Makikita ang Diyos sa Iyong Buhay?
Mababasa sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng 1 Juan 4:12: “Walang sinumang tao ang nakakita sa Diyos kailanman, maliban sa kanila na naniniwala. Kung iniibig natin ang isa’t isa, nananahan ang Diyos sa atin, at ang kanyang pagmamahal ay ganap na sa atin” (sa 1 Juan 4:12, 1 Juan 4:12 sa apendise ng Pagsasalin ni Joseph Smith).
Nakita na ng iba’t ibang disipulo—kabilang na si Juan (tingnan sa Apocalipsis 4), Esteban (tingnan sa Mga Gawa 7:55–56), Lehi (tingnan sa 1 Nephi 1:8), at Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:17)—ang Ama sa Langit. Marami pang ibang nakakita kay Jesucristo sa laman o sa buhay na ito. Pero hindi kailangang makita ng ating mga mata ang Diyos para makita Siya sa ating buhay.
Maging Ilaw ng Sanlibutan
Kapag naglilingkod tayo na katulad ni Cristo, maaari nating tulungan ang iba na makita ang kamay ng Panginoon sa sarili nilang buhay. Paano mo matutulungan ang iba na makita ang larawan ng Panginoon na nagniningning sa iyong mukha? (tingnan sa Alma 5:14). Narito ang ilang ideya para makapagsimula ka:
-
Itanong sa iyong ministering family kung paano ka makakatulong.
-
Hayaang mauna sa iyo sa pila ang isang taong may kasamang maliliit na anak.
-
Sumulat ng card para sa isang taong nalulungkot o bumisita sa kanya.