“Paano Tayo Inihahanda ng Pagsunod para sa Buhay na Walang Hanggan?,” Liahona, Dis. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Tayo Inihahanda ng Pagsunod para sa Buhay na Walang Hanggan?
Naunawaan ni Juan na Tagapaghayag ang kahalagahan ng mga kautusan kung paano inihahanda ng mga ito ang mga anak ng Diyos na manahin ang lahat ng mayroon Siya. Pinagbilinan ng isang anghel si Juan na ang mga matwid na sumusunod sa mga utos ng Diyos ay magmamana ng isang banal na lunsod: “Mapapalad ang [mga sumusunod sa kanyang mga utos], upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay at makapasok sa lunsod sa pamamagitan ng mga pintuan” (Apocalipsis 22:14). Ang “banal na lunsod” (Apocalipsis 22:19) na gustong ihanda ng Ama sa Langit para sa atin ay ang kahariang selestiyal.
Mga Halimbawa ng Pagsunod
-
Moises 5:5–8: Sina Adan at Eva na nag-aalay ng mga hain sa Panginoon
-
1 Nephi 2:2–7: Si Lehi at ang kanyang pamilya na papunta sa ilang
-
Mosiah 18:1–11, 30: Si Alma na nangangaral sa mga Tubig ng Mormon
-
Mosiah 24:8–15: Si Alma at ang kanyang mga tao na dumaranas ng pag-uusig
-
4 Nephi 1:1–18: Ang mga Nephita na nagbalik-loob na may pagmamahalan at pagkakaisa