“Paano Ko Madaraig ang Sanlibutan?,” Liahona, Hunyo 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Ko Madaraig ang Sanlibutan?
Isinulat ni Juan na ang mga miyembro ng Simbahan na nakadaraig sa sanlibutan ay tatanggap ng malalaking pagpapala (tingnan sa Apocalipsis 2–3). Bagama’t ang ilan sa mga pagpapalang ito ay darating matapos ang ating karanasan sa mundo, binigyan tayo ni Pangulong Russell M. Nelson ng mga halimbawa ng maraming iba pang mga pagpapala na matatanggap natin ngayon kapag pinipili nating tularan ang Tagapagligtas araw-araw. Ang ilan sa mga pagpapalang iyon ay nakabuod sa kanan.
Mga Pagpapalang Makukuha Ngayon
-
Higit na paglaban sa kasalanan
-
Naragdagang pananampalataya at pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo
-
Tunay na kapayapaan sa anumang sitwasyon1
Mga Itatanong sa Sarili Mo
Ang mga pagpapalang ito kadalasan ay nangangailangan ng ating pagsasakripisyo. Kapag naghahangad ka ng personal na paghahayag kung paano mo madaraig ang sanlibutan, isiping itanong sa sarili mo ang mga ito:
-
Anong mga pagpapala ang kailangan ko mula sa Tagapagligtas?
-
Ano ang pumipigil sa akin na matanggap ang mga ito?
-
Anong maliliit na pagbabago ang magagawa ko sa buhay ko para matanggap ang mga ito?
Tandaan, tulad ng naituro ni Pangulong Nelson, “nais ng Panginoon na may pagsisikap.”2 Alam ng Tagapagligtas ang iyong mga pagsisikap (tingnan sa Apocalipsis 2:2) at susuportahan ka Niya sa anumang paraan kapag nagsisikap kang mas mapalapit sa Kanya.