“San José, Costa Rica,” Liahona, Disyembre 2023.
Narito ang Simbahan
San José, Costa Rica
Ang pambansang kabisera ng Costa Rica, ang San José, ay nasa Central Valley, na naliligiran ng mga bundok at bulkan. Dumating ang mga unang misyonero mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Costa Rica noong 1946. Ngayon, ang Simbahan sa Costa Rica ay mayroon nang:
-
52,000 miyembro (humigit-kumulang)
-
10 stake, 78 mga ward at branch, 2 mission
-
1 templo sa San José
Malikhaing Pag-aaral ng Ebanghelyo
Sa Heredia, sa hilaga ng San José, pinag-aralan nina Jeremy at Estefania Brandaris at ng kanilang anak ang ebanghelyo bilang isang pamilya. “Napakaaktibo ng anak namin, kaya madali siyang magambala,” sabi ni Estefania. “Ang mga larawan, video, paulit-ulit na mga parirala, at paglalaro ay tumutulong sa kanya na matuto. Ngayon ang paborito niyang salita ay Jesus.”
Iba pa tungkol sa Simbahan sa Costa Rica
-
Isang dalagita mula sa Costa Rica ang nangakong tutuparin ang kanyang mga tipan, anuman ang mangyari.
-
Sa kabila ng pagkawala ng lahat ng bagay sa isang mapaminsalang baha, nalaman ng isang pamilyang Costa Rican na nasa kanila pa rin ang lahat ng bagay na pinakamahalaga.
-
Sa Kapaskuhan sa Costa Rica, ibinahagi ng isang pamilya ang kagalakan ng pagbibigay kasama ang mga missionary.
-
Isang lalaking young adult mula sa Costa Rica ang nagbahagi ng kanyang mga ideya tungkol sa pagdaig sa espirituwal na pagkamanhid.
-
Isang kickboxer mula sa Costa Rica ang itinampok sa isang pelikula ng Simbahan.