2023
Ano ang Ilang Tanda ng Pag-asa sa Aklat ng Apocalipsis?
Disyembre 2023


“Ano ang Ilang Tanda ng Pag-asa sa Aklat ng Apocalipsis?,” Liahona, Hunyo 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Apocalipsis 6–14

Ano ang Ilang Tanda ng Pag-asa sa Aklat ng Apocalipsis?

Larawan
paglalarawan ng globo ng mundo

Nililinaw ng mga pangitain ni Juan na ang mga araw bago ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon ay mapupuno ng kasamaan at matitinding kapahamakan. Pero kung nakatuon lamang tayo sa pagkawasak sa aklat ng Apocalipsis, hindi natin napapansin ang pag-asang naipangako sa atin ng Diyos sa mga huling araw. Bantayan ang ilan sa mga tampok na pangyayaring ito na puno ng pag-asa.

Mga Mensahe ng Pag-asa

  • Poprotektahan ng Diyos ang sambahayan ng Israel sa pagliligtas sa kanila mula sa pagkalipol. Ang 144,000 mula sa “[lahat ng] lipi ng mga anak ni Israel” (tingnan sa Apocalipsis 7:1–8) ay tutulong na “makapagdala ng mga nagnanais na magtungo sa simbahan ng Panganay” (Doktrina at mga Tipan 77:11).

  • Larawan
    nakangiting babae na may mga ibong lumilipad sa kanyang tabi

    Larawan ng babae na iginuhit ni Dilleen Marsh

    Ang mga nakipagtipan sa Diyos at “naghugas ng kanilang mga damit … sa dugo ng Kordero” ay madaraig ang “malaking kapighatian” sa mga huling araw (tingnan sa Apocalipsis 7:9–14; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 138:11–15).

  • Diringgin ng Diyos ang mga dalangin ng mga Banal (tingnan sa Apocalipsis 8:4).

  • Sa kabila ng pag-uusig na daranasin ng mga Banal, ang Diyos ay “[bi]bigyan ng gantimpala ang [Kanyang] mga [lingkod]” (tingnan sa Apocalipsis 11:17–18).

  • Magkakaroon pa rin ng mga taong matwid na “tumutupad sa mga utos ng Diyos, at … matatag [ang] pananampalataya [kay] Jesus” (Apocalipsis 14:12).

Print