2023
Ang Mahimalang Regalo ni Jesucristo
Disyembre 2023


“Ang Mahimalang Regalo ni Jesucristo,” Liahona, Dis. 2023.

Para sa mga Magulang

Ang Mahimalang Regalo ni Jesucristo

Larawan
mga batang nagsasadula ng kuwento ng Nativity

Larawang kuha ni Scott Law

Minamahal na mga Magulang,

Ang isyu sa buwang ito ay sumusuporta sa pagtuturo sa inyong mga anak kung paano mabubuo at mapag-iibayo ang kanilang relasyon sa Tagapagligtas at sa lahat ng mga anak ng Diyos. Magagamit ninyo ang mga ideya rito para magkaroon ng mga talakayan kung paano maghandang makipagtipan sa Diyos at kung paano mapagbubuti ang ating mga kaugnayan sa Kanya at sa iba.

Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo

Pag-asa sa Tagapagligtas

Sa artikulo ni Elder Gary E. Stevenson sa pahina 4, basahin kung paano nagtiwala ang isang batang nagngangalang Hope at ang kanyang pamilya sa Panginoon sa kanilang mga pagsubok, at pagkatapos ay talakayin kung paano kayo “niyakap” ni Jesucristo sa sarili ninyong mga pagsubok.

Ang mga Pinakadakilang Regalo

Magbahagi ng ilang ideya mula sa artikulo ni Elder Brent H. Nielson tungkol sa maraming himala at regalo ng Pasko (pahina 40). Talakayin sa inyong pamilya ang tatlong regalo ng Pasko na binanggit ni Elder Nielson sa pagtatapos ng kanyang artikulo. Isipin kung anong “mga regalo” ang maaaring hinihiling sa inyo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ngayong Kapaskuhan.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Ang mga pakikipagtipan sa templo ay nagpapatuloy sa isang sagradong relasyon sa Ama sa Langit, na nagsimula muna sa binyag. Rebyuhin ang “Paghahandang Dumalo sa Templo” sa pahina 22 para malaman ang iba pa tungkol sa magagawa ninyo o ng mga mahal ninyo sa buhay para maging handa sa pagtanggap ng mga ordenansa sa templo at mapalakas ang kaugnayan ninyo sa pagkikipagtipan sa Diyos.

Katuwaan ng Pamilya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Pagdaig sa Kaaway sa Pamamagitan ni Jesucristo

Paghahayag

“At [si Satanas ay] kanilang dinaig dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo” (Apocalipsis 12:11). 

  1. Tanungin ang mga miyembro ng pamilya kung paano sinusubukan ni Satanas na saktan, tuksuhin, o linlangin sila. Isulat ang mga ito sa isang papel.

  2. Bigyan ang lahat ng magkakahiwalay na pulang papel para kumatawan sa Pagbabayad-sala ni Cristo, o sa “dugo ng Kordero.”

  3. Anyayahan ang bawat tao na pumili ng isang paboritong talata tungkol sa Pagbabayad-sala ni Cristo o gamitin ang isa sa mga sumusunod: Mateo 26:26–28; Efeso 1:7; Mga Hebreo 9:14, 22; 1 Juan 1:7; Apocalipsis 5:9; Mosias 3:11, 15, 18; Eter 13:10–11.

  4. Ipakopya sa bawat tao ang mga parirala mula sa pinili nilang talata sa pulang papel nila. Sa ilalim ng talata ng banal na kasulatan, maaaring isulat ng bawat tao ang kanyang patotoo.

  5. Ibahagi ang mga talata at patotoo. Idikit ang mga pulang papel sa ibabaw ng papel mula sa hakbang 1.

Talakayan: Sa paanong mga paraan tayo tinutulungan ni Jesucristo na madaig si Satanas?

Print