Buod ng Kasaysayan
Ang sumusunod na kronolohiya ay nagbibigay ng maikling buod ng mahahalagang pangyayari sa buhay ni Pangulong Gordon B. Hinckley.
Hunyo 23, 1910 |
Isinilang kina Bryant S. Hinckley at Ada Bitner Hinckley sa Salt Lake City, Utah. |
1922 |
Dumalo sa isang stake priesthood meeting kasama ang kanyang ama at nagkaroon ng patotoo tungkol sa pagtawag kay Joseph Smith bilang propeta. |
1932 |
Nagtapos mula sa University of Utah sa kursong English, journalism, at mga sinaunang wika. |
1933 hanggang 1935 |
Naglingkod bilang full-time missionary sa European Mission, at ginugol ang buong panahon sa England. |
1935 hanggang 1943 |
Nagtrabaho bilang executive secretary ng Radio, Publicity, and Mission Literature Committee ng Simbahan. |
1937 |
Tinawag sa Sunday School general board. |
Abril 29, 1937 |
Pinakasalan si Marjorie Pay sa Salt Lake Temple. |
1943 hanggang 1945 |
Nagtrabaho bilang assistant superintendent para sa Denver at Rio Grande Railroad sa Salt Lake City, Utah, at Denver, Colorado. |
1945 hanggang 1958 |
Muling nagtrabaho sa Simbahan; noong 1951 nagsimulang mangasiwa sa araw-araw na pagpapatakbo ng bagong tatag na Missionary Department. |
1953 hanggang 1955 |
Sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong David O. McKay, inirekomenda at pinamahalaan ang pagsasapelikula ng endowment sa templo upang maunawaan sa iba’t ibang wika. |
Oktubre 28, 1956 |
Tinawag na maglingkod bilang pangulo ng East Mill Creek Stake. |
Abril 6, 1958 |
Sinang-ayunan bilang Assistant sa Labindalawa. |
Oktubre 5, 1961 |
Inorden bilang Apostol at itinalaga ni Pangulong David O. McKay bilang miyembro ng Korum ng Labindalawa. |
Hulyo 23, 1981 |
Tinawag na maglingkod bilang tagapayo sa Unang Panguluhan, para tumulong kay Pangulong Spencer W. Kimball at kina Pangulong Marion G. Romney at Pangulong N. Eldon Tanner. |
Disyembre 2, 1982 |
Tinawag na maglingkod bilang Pangalawang Tagapayo kay Pangulong Kimball. |
Nobyembre 10, 1985 |
Tinawag na maglingkod bilang Unang Tagapayo kay Pangulong Ezra Taft Benson. |
Hunyo 5, 1994 |
Tinawag na maglingkod bilang Unang Tagapayo kay Pangulong Howard W. Hunter. |
Marso 3, 1995 |
Naging senior na Apostol nang mamatay si Pangulong Hunter. |
Marso 12, 1995 |
Itinalaga bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. |
Setyembre 23, 1995 |
Inilabas ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” sa general Relief Society meeting. |
Pebrero 1996 |
Ang bilang ng mga miyembro ng Simbahan sa labas ng Estados Unidos ay humigit sa bilang ng mga miyembro ng Simbahan sa loob ng Estados Unidos. |
Abril 7, 1996 |
Naging panauhin sa programa sa telebisyon sa Estados Unidos na 60 Minutes. |
Mayo 26, 1996 |
Inilaan ang Hong Kong China Temple, ang una sa 77 templong inilaan sa ilalim ng kanyang pangungulo, at 63 rito ay siya mismo ang naglaan. |
Abril 5, 1997 |
Inorganisa ang tatlong bagong Korum ng Pitumpu. |
Oktubre 4, 1997 |
Ipinaalam ang planong magtayo ng mas maliliit na templo sa iba’t ibang panig ng mundo. |
Enero 1, 2000 |
Kasama ang mga kapwa niya Apostol sa Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawa, inilathala ang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol.” |
Oktubre 1, 2000 |
Inilaan ang Boston Massachusetts Temple, ang ika-100 templong pinatatakbo. |
Oktubre 8, 2000 |
Inilaan ang Conference Center. |
Marso 31, 2001 |
Ibinalita ang paglikha ng Perpetual Education Fund. |
Pebrero 8, 2002 |
Malugod na tinanggap ang mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa Salt Lake City para sa Winter Olympics. |
Hunyo 27, 2002 |
Inilaan ang Nauvoo Illinois Temple sa ika-158 anibersaryo ng pagpaslang kina Joseph at Hyrum Smith. |
Enero 11, 2003 |
Namuno sa brodkast ng unang pandaigdigang pagsasanay sa pamumuno. |
Pebrero 8, 2003 |
Nagsalita sa isang milyong batang Primary sa pamamagitan ng satellite broadcast upang ipagdiwang ang ika-125 anibersaryo ng Primary. |
Abril 6, 2004 |
Nagdalamhati sa pagkamatay ng kanyang asawang si Marjorie. |
Hunyo 23, 2004 |
Ginawaran ng Presidential Medal of Freedom, ang pinakamataas na parangal sa sibilyan na ibinibigay sa Estados Unidos. |
Hunyo 26, 2007 |
Ibinalita na lumampas na sa 13 milyon ang mga miyembro ng Simbahan at nakapaglingkod na ang ika-isang milyong missionary simula nang maorganisa ang Simbahan. |
Enero 27, 2008 |
Pumanaw sa kanyang tahanan sa Salt Lake City, Utah. |