Mga Turo ng mga Pangulo
Buod ng Kasaysayan


Buod ng Kasaysayan

Ang sumusunod na cronolohiya ay nagbibigay ng maikling buod ng kasaysayan para sa mga turo ni Pangulong Lorenzo Snow na nakalahad sa aklat na ito.

Abril 3, 1814

Isinilang sa Mantua, Ohio, kina Rosetta Leonora Pettibone Snow at Oliver Snow.

1832

Narinig na mangaral si Propetang Joseph Smith sa Hiram, Ohio.

1835

Umalis ng bahay para mag-aral sa Oberlin College sa Oberlin, Ohio. Nakilala si Elder David W. Patten ng Korum ng Labindalawang Apostol sa daan.

1836

Umalis ng Oberlin College at lumipat sa Kirtland, Ohio, para mag-aral ng Hebreo. Tinanggap ang ipinanumbalik na ebanghelyo at nabinyagan at nakumpirma sa buwan ng Hunyo. Naorden kalaunan bilang elder. Tumanggap ng patriarchal blessing mula kay Joseph Smith Sr. sa buwan ng Disyembre.

1837

Nangaral ng ebanghelyo sa Ohio.

Oktubre 1838 hanggang Mayo 1840

Naglingkod sa isa pang misyon, na nangangaral ng ebanghelyo sa Ohio, Missouri, Kentucky, at Illinois at nagtatrabaho bilang guro sa paaralan noong taglamig ng 1839–40.

Mayo 1840

Umalis ng Nauvoo, Illinois, upang magmisyon sa England. Sa ilalim ng pamamahala ng Korum ng Labindalawang Apostol, namuno sa Simbahan sa London, England, at sa mga karatig na lugar. Naglathala ng isang polyetong pinamagatang The Only Way to Be Saved.

Abril 12, 1843

Dumating sa Nauvoo, Illinois, kasama ang 250 nabinyagang mga Banal sa mga Huling Araw mula sa England.

Mga huling buwan ng 1843 at mga unang buwan ng 1844

Nagturo sa paaralan sa Lima, Illinois.

1844

Namahala ng isang kampanya sa Ohio na iboto si Joseph Smith bilang pangulo ng Estados Unidos. Nagbalik sa Nauvoo matapos malaman na pinaslang sina Joseph at Hyrum Smith, na nangyari noong Hunyo 27.

Enero 1845

Inatasan ni Pangulong Brigham Young na maglakbay papuntang Ohio at mangolekta ng mga donasyon para sa pagtatayo ng Nauvoo Temple.

1845

Nagkaroon ng mahigit sa isang asawa si Lorenzo Snow, tulad ng ginagawa sa Simbahan noon, nang pakasalan niya sina Charlotte Squires at Mary Adaline Goddard.

Pebrero 1846

Umalis ng Nauvoo kasama ang mga miyembro ng pamilya at iba pang mga Banal sa mga Huling Araw matapos nilang matanggap ang mga endowment at mabuklod sa Nauvoo Temple.

1846 hanggang 1848

Nanirahan sila ng kanyang pamilya sa isang pamayanang tinatawag na Mount Pisgah sa estado ng Iowa. Namuno sandali sa pamayanan. Noong tagsibol ng 1848, namuno sa isang grupo ng mga Banal papuntang Salt Lake City.

Pebrero 12, 1849

Naorden bilang Apostol sa Salt Lake City.

1849

Nangolekta ng mga donasyon para sa Perpetual Emigrating Fund.

1849 hanggang 1852

Nagmisyon sa Italy. Naglingkod din sa England, kung saan pinamahalaan niya ang paglalathala ng Aklat ni Mormon sa Italian, at sa Switzerland at Malta. Inilathala ang isang polyetong pinamagatang The Voice of Joseph.

1852

Nahirang sa Utah State Legislature.

1853

Tinawag ni Pangulong Brigham Young na mamuno sa isang pamayanan ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Box Elder County, na nasa hilagang Utah. Pinangalanang Brigham City ang pangunahing lungsod. Naglingkod nang maraming taon bilang pinuno sa Simbahan at sa komunidad.

Marso 1864 hanggang Mayo 1864

Kasama ang isang grupong pinamunuan ni Elder Ezra T. Benson ng Korum ng Labindalawa, nagmisyon sandali sa Hawaiian Islands.

Oktubre 1872 hanggang Hulyo 1873

Kasama ang isang grupong pinamunuan ni Pangulong George A. Smith, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, nilibot ang mga bahagi ng Europe at Middle East, pati na ang Banal na Lupain. Naglakbay siya sa kahilingan ni Pangulong Brigham Young.

1882

Ipinasa ng United States Congress ang Edmunds Act, na ginagawang krimen ang pagkakaroon ng mahigit sa isang asawa [plural marriage] at pinagbawalan ang mga sangkot sa poligamya na bumoto, kumandidato, o maging hukom.

Agosto 1885 hanggang Oktubre 1885

Nagmisyon sa mga American Indian sa hilagang-kanlurang Estados Unidos at sa estado ng Wyoming.

Marso 12, 1886, hanggang Pebrero 8, 1887

Nakulong dahil sa pagkakaroon ng mahigit sa isang asawa.

1887

Ipinasa ng United States Congress ang Edmunds-Tucker Act, isa pang batas laban sa poligamya, na tinutulutan ang federal government na kumpiskahin ang malaking bahagi ng mga lupain ng Simbahan. Naging batas ito noong Marso 3, 1887.

Mayo 21–23, 1888

Binasa ang panalangin ng paglalaan sa mga sesyon ng paglalaan ng Manti Utah Temple. Inilaan ni Pangulong Wilford Woodruff ang templo noong Mayo 17.

Abril 7, 1889

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Mayo 19, 1893, hanggang Setyembre 1898

Naglingkod bilang unang pangulo ng Salt Lake Temple.

Setyembre 2, 1898

Naging senior Apostle at namumuno ng Simbahan nang mamatay si Pangulong Wilford Woodruff. Tumanggap ng banal na paghahayag sa Salt Lake Temple, kung saan pinagbilinan siya ng Panginoon na ituloy ang muling pag-oorganisa ng Unang Panguluhan.

Setyembre 13, 1898

Sinang-ayunan ng Korum ng Labindalawang Apostol bilang Pangulo ng Simbahan. Nagsimulang maglingkod bilang Pangulo.

Oktubre 9, 1898

Sinang-ayunan bilang Pangulo ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya.

Oktubre 10, 1898

Itinalaga bilang Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Mayo 1899

Naglakbay papuntang St. George, Utah, kung saan tumanggap siya ng paghahayag na ipangaral ang batas ng ikapu sa mga Banal. Sinimulang ibahagi ang mensaheng ito sa St. George at pinangunahan ang pagsisikap na ibahagi ito sa buong Simbahan.

Enero 1, 1901

Inilathala ang isang pagpapahayag na pinamagatang “Greeting to the World” para salubungin ang ika-20 siglo.

Oktubre 10, 1901

Namatay sa Salt Lake City, Utah, sa edad na 87.