2012
Kung itatanong ng mga tao kung bakit tayo nagpapadala ng mga misyonero sa mga bansang Kristiyano, ano ang dapat kong sabihin sa kanila?
Setyembre 2012


Kung itatanong ng mga tao kung bakit tayo nagpapadala ng mga misyonero sa mga bansang Kristiyano, ano ang dapat kong sabihin sa kanila?

two young men looking at globe

Paglalarawan ni Sway Chavez

Para sa maraming tao na hindi mga miyembro ng ating Simbahan, ang ibig sabihin ng “gawaing misyonero” ay pagpunta sa liblib na lugar kung saan maaaring turuan ang mga hindi Kristiyano ng tungkol sa Kristiyanismo at kung saan maaaring magkawanggawa. Kaya’t kapag nalaman nilang may “gawaing misyonero” ang ating Simbahan sa kanilang lugar, maaari silang magtaka kung bakit.

Ang mensaheng ibinabahagi ng ating mga misyonero ay para sa buong mundo, kaya’t ipinadadala natin sila sa buong mundo. Naniniwala tayo na ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo ay naipanumbalik, pati na ang Simbahan ni Cristo at ang awtoridad ng priesthood na kailangan sa pagsasagawa ng mga ordenansa, tulad ng pagbibinyag. Tanging sa Simbahang ito lubusang ipinanumbalik ang ebanghelyo. Dahil kailangang marinig ng lahat ng tao ang mensaheng ito, maging sa mga lugar na matagal na ang Kristiyanismo, nagpapadala tayo ng mga misyonero sa lahat ng tao.