2013
Kabilang sa Ika-183 Pangkalahatang Kumperensya ang Pagsang-ayon sa Bagong Young Women General Presidency
Mayo 2013


Kabilang sa Ika-183 Pangkalahatang Kumperensya ang Pagsang-ayon sa Bagong Young Women General Presidency

“Ang ating mga puso ay naantig,” sabi ni Pangulong Thomas S. Monson sa pagtatapos ng sesyon ng ika-183 Taunang Pangkalahatang Kumperensya noong Abril 7, 2013, “at ang ating mga patotoo ay napalakas tungkol sa banal na gawaing ito nang madama natin ang Espiritu ng Panginoon. Sana ay maalala natin ang mga narinig natin nitong nakaraang dalawang araw.”

Mahigit 100,000 katao ang dumalo sa limang sesyon ng pangkalahatang kumperensya sa Conference Center sa Salt Lake City, Utah, USA, noong Abril 6 at 7. Milyun-milyon ang nanood o nakinig sa pamamagitan ng TV, satellite, radyo, at Internet. Kabilang ang mga live broadcast at online video, audio, at teksto ng kumperensya sa LDS.org, na-access ng mga miyembro ang kumperensya sa 95 wika.

Sinimulan ni Pangulong Monson ang taunang kumperensya sa pagbabalita ng mga templong itatayo sa Cedar City, Utah, USA, at Rio de Janeiro, Brazil—umabot sa 29 ang kabuuang bilang ng mga templo na ibinalita o kasalukuyang itinatayo. Sa kasalukuyan, 141 templo na ang ginagamit.

Ilang pagbabago ang ginawa sa pamunuan ng Simbahan noong sesyon sa Sabado ng hapon. Lahat ng miyembro ng Young Women general presidency ay ini-release, at si Elder Walter F. González ay ini-release bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu. Limampu’t isang Area Seventy ang ini-release rin.

Si Elder Ulisses Soares ng Unang Korum ng Pitumpu ay sinang-ayunan bilang miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu.

Ang sinang-ayunan bilang bagong Young Women general presidency ay sina Bonnie Lee Green Oscarson, pangulo; Carol Foley McConkie, unang tagapayo; at Neill Foote Marriott, pangalawang tagapayo.

Tatlong bagong miyembro ng Unang Korum ng Pitumpu ang sinang-ayunan din: Elder Edward Dube ng Zimbabwe; Elder S. Gifford Nielsen ng Sugar Land, Texas, USA; at Elder Arnulfo Valenzuela ng Queretaro, Mexico. Limang bagong miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu ang sinang-ayunan din.

Si Elaine S. Dalton, dating Young Women general president, ay naglingkod sa Young Women general presidency, bilang tagapayo o bilang pangulo, sa loob ng 11 taon bago siya ini-release noong Abril.

Tingnan ang kumpletong listahan ng mga sinang-ayunan at ini-release sa pahina 26.

Hanapin ang mga talambuhay ng mga bagong tawag na lider simula sa pahina 139.