Elder Kevin S. Hamilton
Ng Pitumpu
Inilarawan ni Elder Kevin Scott Hamilton ang kanyang sarili bilang “bunga ng pagbabalik-loob at pagsagip.”
Ang kanyang pagsilang noong Marso 1955 sa Wenatchee, Washington, USA, ay dahilan para magtanong ang kanyang ina, si Kay, tungkol sa kahulugan ng buhay. Kinausap niya ang kanyang kaibigang LDS, si Richard Pratt, na nagpakilala sa kanya sa mga missionary.
Ipinaliwanag ng kanyang asawa, si Norman Russell Hamilton, na miyembro na siya ng Simbahan, bagama’t hindi gaanong aktibo mula noong tinedyer siya. Siya ay muling naging aktibo sa Simbahan nang sumapi rito ang kanyang asawa.
“Ang aking mga magulang ay kahanga-hangang miyembro na nagpatatag ng pananampalataya na mayroon kami ngayon,” sabi ni Elder Hamilton.
Ngunit nagpatotoo siya na ang kanyang misyon sa France at Switzerland ang talagang nagpabago ng kanyang buhay. “Nagkaroon ako ng matinding hangarin na hindi kailanman nawala,” sabi niya.
Pinakasalan niya si Claudia Keysor, noong Hulyo 27, 1978, sa Los Angeles Temple. Habang pinalalaki ang kanilang anim na anak sa California, ang tahanan nila ay parang visitors’ center.
“Sabi nila maaari kang tahimik na magsermon sa iyong tahanan, at naglagay kami ng mumunting quotes o sipi sa palibot ng bahay,” sabi ni Sister Hamilton. Pagpasok sa loob ng bahay makikita roon ang salansan ng mga kopya ng Aklat ni Mormon, mga buklet na Para sa Lakas ng mga Kabataan, at iba pang literatura ng Simbahan na regular na nilalagyang muli kapag dinala ito ng mga bisita.
Ang determinasyon ni Elder Hamilton na maglingkod ay nagbigay sa kanya ng mga pagkakataong maglingkod bilang bishop, stake president, at pangulo ng Belgium Brussels Netherlands Mission mula 2003 hanggang 2006. Bago siya tinawag sa Pangalawang Korum ng Pitumpu, siya ay director ng Southern California Public Affairs Council ng Simbahan, na binubuo ng 64 na stake sa Greater Los Angeles Metropolitan Area.
Sa natapos na bachelor’s degree mula sa Brigham Young University at master’s degree mula sa University of Washington, kapwa sa business, halos lahat ng trabaho niya ay sa telecommunications industry, kung saan nanungkulan siya nang maraming beses bilang chief executive officer.