2013
Elder Timothy J. Dyches
Mayo 2013


Elder Timothy J. Dyches

Ng Pitumpu

Elder Timothy J. Dyches

Isa sa mga paboritong papel sa buhay ni Elder Timothy John Dyches ay “maging saksi” at magpatotoo sa iba, at tulungan silang mapalapit kay Cristo. Siya man ay naglilingkod bilang missionary, nakikihalubilo sa sariling pamilya, o nagtatrabaho, masaya niyang tinatanggap ang tungkulin at responsibilidad na iyan at sinisikap na tulungan ang iba na gayon din ang gawin.

Isinilang noong Enero 1951 sa Murray, Utah, USA, sa mga magulang na sina Milo Fredrick at Mary Katherine Dyches, siya ay pangalawa sa pitong anak. Noong siya ay deacon, ang kanyang pamilya ay lumipat sa Elko, Nevada, kung saan ginugol niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho sa botika ng kanyang ama pagkagaling sa eskwela. Habang nagtutulungan silang mag-ama, itinuro sa kanya ng kanyang ama ang kahalagahan ng kasipagan sa pagtatrabaho—na isang bagay na nakatulong sa kanya bilang missionary sa Germany South Mission mula 1970 hanggang 1972. 

“Iyon ay mahirap na misyon, pero para sa akin iyon ang pinakamaganda,” sabi niya. “Natutuhan ko ang kahalagahan ng kasipagan at pagsunod at hindi pagsuko.”

Matapos ang kanyang misyon ang gawi niyang iyon sa pagtatrabaho ay ginamit din niya sa kanyang pag-aaral, propesyon, at mga tungkulin sa Simbahan. Nakilala ni Elder Dyches ang kanyang mapapangasawa, si Jill Dudley, habang nag-aaral sa Brigham Young University. Sila ay ikinasal noong Abril 26, 1974, sa Manti Utah Temple. Sila ay may tatlong anak. 

Si Elder Dyches ay nagtapos ng bachelor’s degree mula sa Brigham Young University sa university studies at nagtapos ng medical degree mula sa Washington University Medical School. Siya ay nagtrabaho bilang isang surgeon sa tainga, ilong at lalamunan sa Reno, Nevada. 

Noong tawagin siya sa Pangalawang Korum ng Pitumpu, si Elder Dyches ay naglilingkod sa Young Men organization bilang deacons quorum adviser. Naglingkod siya sa marami pang katungkulan, kabilang dito ang Area Seventy, pangulo ng Oregon Portland Mission, stake president, counselor sa stake presidency, high councilor, temple ordinance worker, Sunday School president, at ward clerk.