2013
Gawing Bahagi ng Ating Buhay ang Kumperensya
Mayo 2013


Nagsalita Sila sa Atin

Gawing Bahagi ng Ating Buhay ang Kumperensya

Isiping gamitin ang ilan sa mga aktibidad at tanong na ito bilang panimula sa talakayan ng pamilya o personal na pagbubulay.

Ang mga numero ng pahina na nakalistang kasama ng ideya ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Para sa mga Bata

  • Si Pangulong Thomas S. Monson ay nagsalita tungkol sa kahalagahan ng pagsunod at kung paano laging may dulot na bunga ang pagsuway o hindi pagsunod (pahina 89). Isipin ang sandali nang sinunod mo ang mga patakaran ng pamilya. Ang sandali naman na sinunod mo ang mga patakaran ng Diyos? Ano ang nadama mo nang sumunod ka?

  • Ikinuwento ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tungkol sa isang batang babae na nagtanim ng kamatis mula sa isang munting binhi (pahina 18). Basahin o ikuwento itong muli kasama ang pamilya at pag-usapan ang itinuturo nito tungkol sa pagiging katulad ng Ama sa Langit. Maaari ninyong mithiing gawin ang isang bagay para lalong mapalapit sa Ama sa Langit.

  • Nagsalita si Elder Enrique R. Falabella ng Pitumpu tungkol sa bagay na nagpapatatag sa mga pamilya (pahina 102). Itinuro niya na ang ilan sa mahahalagang salitang dapat gamitin sa inyong pamilya ay ang “Mahal kita,” “Maraming salamat,” at “Patawarin mo ako.” Iminungkahi ni Sister Rosemary M. Wixom, Primary general president, na sabihing, “Gusto ko ang lahat ng tungkol sa iyo” (pahina 81). Tingnan kung ano ang mangyayari kapag ginamit mo ang mga salitang ito sa iyong pamilya. Ito ba ay nakapagpapaligaya sa kanila? Ano ang pakiramdam ninyo?

Para sa mga Kabataan

  • Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson ang apat na alituntunin sa paghahanda para sa gawaing misyonero—hindi lamang bilang full-time missionary kundi bilang miyembro din ng Simbahan (pahina 66). Maaari mong pag-aralan ang kanyang mensahe na iniisip ang tanong na ito: Ano ang maaari kong gawin para maging mas mabuting missionary ngayon?

  • Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol na OK lang ang magkaroon ng mga alinlangan at tanong, at itinuro din niya na: “Manangan nang mahigpit sa nalalaman na ninyo at manindigan hanggang sa dumating ang karagdagang kaalaman. … Maging tapat kayo sa pananampalatayang taglay na ninyo” (pahina 93). Isiping isulat sa iyong journal ang iyong pinaniniwalaan, patotoo, at ilang espirituwal na karanasan. Isulat din ang iyong mga tanong at ingatan ang mga ito upang kapag binabasa mo ang mga banal na kasulatan at ang isyung ito, maaari mong hanapin ang mga sagot.

  • Maraming tagapagsalita ang nagbanggit tungkol sa pagsunod at mga pagpapalang dulot nito. Halimbawa, itinuro ni Pangulong Monson, “Ang kaalaman sa katotohanan at ang mga sagot sa ating malalaking katanungan ay dumarating sa atin kapag sinusunod natin ang mga kautusan ng Diyos” (pahina 89). Isiping saliksikin ang isyung ito upang i-highlight o isulat ang maraming pagpapalang hatid ng pagsunod. Ang pagtukoy sa mga pagpapalang ito ay magbibigay sa iyo ng inspirasyon na patuloy na mamuhay nang matwid.

  • Itinuro ng ilang tagapagsalita na maaari kang maglingkod anumang oras, hindi lamang kapag may mga proyektong serbisyo o paglilingkod. “Maglingkod araw-araw,” ang turo ni Brother David L. Beck, Young Men general president. “Nasa buong paligid ninyo ang mga pagkakataon.” Sa mensahe ni Brother Beck, mababasa mo ang ilang halimbawa ng mga kabataan na naglilingkod sa isa’t isa (pahina 55).

Para sa Matatanda

  • Marami sa mga tagapagsalita ang nagpatotoo kay Jesucristo. Ano ang matututuhan mo tungkol sa Kanyang banal na pagkatao, misyon, at paglilingkod mula sa mga mensahe sa mga pahina 22, 70, 96, 99, at 109?

  • Ang paksa ng mga kabataan sa Mayo ay tungkol sa mga propeta at paghahayag. Kung mga kabataan ang tinuturuan mo sa simbahan o may mga anak kang tinedyer, maaari mong talakayin sa kanila ang kurikulum at ang tanong na ito: Bakit mahalagang makinig at sumunod sa mga buhay na propeta? Isiping pag-aralan ang isyung ito upang matukoy ang mga propesiya at babala na, kung pakikinggan, ay tutulungan tayong manatiling matatag sa magulong panahon.

  • Ilang tagapagsalita ang nagtuon ng pansin sa pagpapatatag ng pamilya. Halimbawa, itinuro ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol na, “Kapag [ang Tagapagligtas] ang sentro ng inyong tahanan, may kapayapaan at katahimikan” (pahina 29). Maghanap ng mga paraan para ang Tagapagligtas ang maging sentro ng inyong tahanan habang pinag-aaralan ninyo ang mensahe ni Elder Scott at ang mga mensahe sa pahina 6, 81, 83, at 102.