2013
Elder S. Gifford Nielsen
Mayo 2013


Elder S. Gifford Nielsen

Ng Pitumpu

Elder S. Gifford Nielsen

Hilig ni Elder Stanley Gifford Nielsen ang athletics, ngunit hindi isport ang pinakamahalaga sa kanyang buhay. Naniniwala siya na mahalagang ibalanse ang buhay at ang ebanghelyo ang saligan ng kaligayahan ngayon at sa kawalang-hanggan.

Isinilang noong Oktubre 1954 sa mga magulang na sina Harry at Lois Nielsen, tumira siya sa Provo, Utah, USA, hanggang magtapos sa kolehiyo. Itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang ang buhay na nakasentro sa ebanghelyo.

Matapos dumanas ng matinding pinsala na tumapos sa kanyang football career sa kolehiyo, sinabi ni Elder Nielsen na ang pinakamahahalagang bagay sa buhay ay hindi maaalis ng isang kapinsalaan.

Matapos ang matagunpay na pagpapagaling, naglaro siya bilang quarterback sa National Football League, ngunit ang kanyang career ay natapos makalipas ang tatlong taon. Siya ay kinutya ng publiko. Iyon ay panahon ng pagninilay-nilay sa sarili at pag-alam sa kung ano ang tunay niyang pinaniniwalaan. “Nalaman ko na hindi ka kailanman iiwanan ng Tagapagligtas, anuman ang mangyari,” sabi ni Elder Nielsen, na ngayon ay nakatira sa Sugar Land, Texas.

Kung mayroon mang banal na kasulatan na sinisikap niyang sundin sa kanyang buhay, iyon ay ang Mateo 5:14–16: “Kayo ang ilaw ng sanglibutan. … Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.”

 “Inilalahad ng Panginoon ang Kanyang mga kamay sa inyo,” sabi ni Elder Nielsen. “Minamahal ninyo Siya sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa ebanghelyo.”

Sa kolehiyo niya nakilala si Wendy Olson. Sila ay ikinasal sa Provo Utah Temple noong Abril 23, 1975. Siya ay nagtapos ng degree sa communications sa Brigham Young University. Siya ay quarterback para sa Houston Oilers at sports director para sa KHOU television bago siya tinawag na maglingkod nang full-time para sa Simbahan.

Biniyayaan ng anim na anak, si Elder Nielsen ay naglingkod bilang seminary teacher, Young Men president, elders quorum president, bishop, at stake president. Siya ay naglilingkod bilang Area Seventy nang tawagin siya sa Unang Korum ng Pitumpu.