Elder Edward Dube
Ng Pitumpu
Ibinahagi kay Elder Edward Dube ang ebanghelyo noong 1981 ng kanyang employer kung saan siya nagtatrabaho. Binigyan siya ng lalaki ng kopya ng Aklat ni Mormon. Binasa lamang niya ito noong 1983 at siya ay naantig ng patotoo ni Joseph Smith tungkol sa pagdalaw ni Moroni kaya’t sumang-ayon siya sa paanyaya na dumalo sa fast and testimony meeting sa meetinghouse sa Kwekwe, Zimbabwe.
Naasiwa siya sa una, nadama na para siyang tagapaglingkod sa halos lahat ng naroroon.
“Ngunit nang magpatotoo sila tungkol sa Aklat ni Mormon, nadama ko ang kaugnayan ko sa mga taong ito,” paggunita niya, “at nagawa kong ibahagi ang nadarama ko tungkol sa Aklat ni Mormon.”
Tinuruan siya ng mga missionary, nabinyagan, at sa huli ay naglingkod sa Zimbabwe Harare Mission.
Sa panahong iyon, tinuruan niya ang pamilya ni Naume Keresiya Salazani, na noon ay 16 na taong gulang. Patuloy ang komunikasyon nila matapos ang kanyang misyon at ikinasal sa Kwekwe noong Disyembre 9, 1989. Noong Mayo 1992 sila ay ibinuklod sa Johannesburg South Africa Temple. Sila ay may tatlong anak na babae at isang anak na lalaki.
Isinilang noong Mayo 1962 sa nayon ng Chirumanzu, Zimbabwe, sa mga magulang na sina Clement at Rosemary Dube, nagtapos si Elder Dube ng pagkaguro mula sa Zimbabwe D. E. College noong 1992 at nagtrabaho sa Church Educational System, nagtatag ng mga seminary and institute of religion sa Zimbabwe, Zambia, at Malawi. Mapalad siyang makita ang maraming estudyante na nabigyan niya ng mga sertipiko ng pagtatapos na nakapaglingkod sa mga katungkulan sa Simbahan sa mga bansang iyon habang lumalago ang Simbahan.
Siya ay naglingkod bilang elders quorum president, branch president, district president, stake president, counselor sa mission presidency, at, mula 2009 hanggang 2012, pangulo ng Zimbabwe Harare Mission. Bago siya tinawag sa Unang Korum ng Pitumpu, siya ay naglilingkod bilang Area Seventy.