2013
Mga Turo para sa Ating Panahon
Mayo 2013


Mga Turo para sa Ating Panahon

Ang mga aralin sa Melchizedek Priesthood at Relief Society tuwing ikaapat na Linggo ay ilalaan sa “Mga Turo para sa Ating Panahon.” Bawat aralin ay maihahanda mula sa isa o mahigit pang mensaheng ibinigay sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya (tingnan sa chart sa ibaba). Ang mga stake at district president ay maaaring pumili ng mensaheng dapat gamitin, o maaari nilang iatas ang responsibilidad na ito sa mga bishop at branch president. Dapat bigyang-diin ng mga lider na mahalagang magkapareho ang mga mensaheng pag-aaralan ng mga kapatid sa Melchizedek Priesthood at Relief Society sa magkakaparehong Linggo.

Ang mga dumadalo sa mga aralin sa ikaapat na Linggo ay hinihikayat na pag-aralan at dalhin sa klase ang isyu ng magasin sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya.

Mga Mungkahi sa Paghahanda ng Aralin mula sa mga Mensahe

Ipanalanging mapasainyo ang Banal na Espiritu sa pag-aaral at pagtuturo ninyo ng (mga) mensahe. Maaari kayong matuksong gumamit ng iba pang mga materyal sa paghahanda ng aralin, ngunit mga mensahe sa kumperensya ang inaprubahang kurikulum. Ang tungkulin ninyo ay tulungan ang iba na matutuhan at ipamuhay ang ebanghelyo ayon sa turo sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya ng Simbahan.

Repasuhin ang (mga) mensahe, na hinahanap ang mga alituntunin at doktrinang tutugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng klase. Humanap din ng mga kuwento, reperensya sa mga banal na kasulatan, at pahayag mula sa (mga) mensahe na makakatulong sa inyo na maituro ang mga katotohanang ito.

Gumawa ng outline kung paano ituturo ang mga alituntunin at doktrina. Isiping isama ang mga tanong na nakakatulong sa mga miyembro ng klase:

  • Hanapin ang mga alituntunin at doktrina sa (mga) mensahe.

  • Pag-isipan ang kahulugan ng mga ito.

  • Ibahagi ang nauunawaan, mga ideya, karanasan, at patotoo.

  • Iangkop ang mga alituntunin at doktrinang ito sa kanilang buhay.

Mga Buwan na Itinuturo ang mga Aralin

Mga Materyal sa Aralin para sa Ikaapat ng Linggo

Abril 2013–Oktubre 2013

Mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2013*

Oktubre 2013–Abril 2014

Mga mensaheng ibinigay sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2013*

  • Para sa mga aralin sa Abril at Oktubre, maaaring piliin ang (mga) mensahe mula sa nakaraang kumperensya o sa pinakahuling kumperensya. Ang mga mensahe ay makukuha sa maraming wika sa conference.lds.org.