Mga Kabataan
Ang Kumperensya at Ako
Ang awtor ay naninirahan sa Toronto, Canada.
Dati ay inisip ko na mahaba at nakakainip ang pangkalahatang kumperensya, ngunit sa paglipas ng panahon, natutuhan ko nang mahalin at asamin ito. Ang pangkalahatang kumperensya ay makapagpapalakas sa inyo sa espirituwal, ngunit madaling maglaho ang damdaming ito kapag nagpatuloy ang normal na buhay pagsapit ng Lunes. Ang ilan sa sumusunod na mga ideya ay nakatulong sa akin na matuto mula sa kumperensya hangga’t maaari.
Inihahanda ko ang aking sarili para sa kumperensya sa pamamagitan ng pagsulat ng mga tanong, at isinusulat ko ang nagiging sagot sa aking mga tanong. Pagkatapos, idina-download ko ang mga mensahe at musika sa kumperensya mula sa LDS.org at pinakikinggan sa MP3 player ang isang mensahe o himno rito habang ginagawa ko ang aking pang-araw-araw na gawain. Hilig ko ring pag-aralan ang isyu ng kumperensya sa Liahona. Minamarkahan at sinusulatan ko ang gilid ng aking personal na kopya. Pagsapit ng susunod na kumperensya, gamit na gamit na ang magasin ko. Kung minsan ay magkakasamang pinag-aaralan ng pamilya ko ang mga mensahe sa family home evening.
Sinisikap naming panatilihin ang diwang nadama namin sa kumperensya at patuloy kaming natututo mula sa mga mensahe, at ang paggawa nito ay naging malaking pagpapala sa akin. Nakatanggap ako ng matinding lakas at patnubay sa mga oras ng pangangailangan sa pag-aaral ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, at alam ko na binigyang-inspirasyon ang mga mensaheng ito.