Ang Kapangyarihang Mapagpala ang Lahat ng Tao
Itinuro na sa atin ng mga lider ng Simbahan na ang mga ordenansa at tipan ng priesthood ay para sa lahat ng anak ng Diyos—na mga lalaki at babae.
“Ang priesthood ay kapangyarihan at awtoridad na ibinigay ng Diyos para sa kaligtasan at pagpapala ng lahat—kalalakihan, kababaihan, at mga bata.…
“May espesyal na mga pagpapala ang Diyos para sa bawat karapat-dapat na taong nabinyagan, tumanggap ng Espiritu Santo, at regular na nakikibahagi ng sakramento. Ang templo ay naghahatid ng dagdag na liwanag at lakas, pati na ng pangako na buhay na walang hanggan [tingnan sa D at T 138:37, 51].
Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang Kapangyarihan sa Priesthood,” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 92.
“Ang mga ordenansa at tipan na ito ng priesthood ang daan upang matanggap ang kabuuan ng mga pagpapalang ipinangako sa atin ng Diyos, na ginawang posible ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Sinasakbitan ng mga ito ang mga anak [na lalaki at babae] ng Diyos ng kapangyarihan, ng kapangyarihan ng Diyos, at binibigyan tayo ng pagkakataong tumanggap ng buhay na walang-hanggan—ang makabalik sa piling ng Diyos at mamuhay na kasama Niya sa Kanyang walang-hanggang pamilya.”
Carole M. Stephens, unang tagapayo sa Relief Society general presidency, “Alam Ba Natin Kung Ano ang Mayroon Tayo?” Ensign o Liahona, Nob. 2013, 12.
“Lubhang kailangan nating maunawaan na ang Ama sa Langit ay naglaan ng paraan sa lahat ng Kanyang anak na makatanggap ng mga pagpapala at mapalakas ng kapangyarihan ng priesthood. Sentro sa plano ng Diyos para sa Kanyang mga espiritung anak ang Kanyang sariling pahayag: ‘Ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao’ (Moises 1:39).”
Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol, “‘Ito ang Aking Gawain at Aking Kaluwalhatian,’” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 19.