2014
Pitong Araw Hanggang Paskua
Abril 2014


Ating mga Tahanan, Ating mga Pamilya

Pitong Araw Hanggang Paskua

Matututuhan ninyo ng inyong pamilya ang ginawa ni Jesus noong nabubuhay pa Siya sa lupa. Simulan sa araw ng Linggo bago sumapit ang Paskua. Bawat araw, basahin ang banal na kasulatan, gawin ang aktibidad, o kantahin ang awitin (o iba pang awitin tungkol sa paksang iyon). Pagkatapos ay gupitin at idikit sa isang kahon na walang laman ang larawan ni Jesus na tumutugma sa kuwento sa banal na kasulatan. Kapag puno na ang lahat ng kahon, sasapit na ang Paskua!

Araw 1

Isinugo ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo, upang isilang sa mundo.

  • Lucas 2:4–7

  • “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20).

Araw 2

Minsa’y naging musmos si Jesus. Maaari tayong maging katulad Niya sa pagiging mabuti at mabait.

  • Lucas 2:40, 52

  • “Minsa’y Naging Musmos si Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 34).

Araw 3

Sinunod ni Jesus ang lahat ng utos ng Ama sa Langit, pati na ang utos na magpabinyag.

  • Mateo 3:13–17

  • “When Jesus Christ Was Baptized” (Children’s Songbook, 102).

Araw 4

Si Jesus ay nagsagawa ng maraming himala, tulad ng pagpapagaling sa mga taong maysakit, pagtulong na muling makakita ang mga bulag, at pagpapahinto sa bagyo.

  • Marcos 4:36–39

  • “Ang mga K’wento kay Jesus,” Aklat ng mga Awit Pambata, 36).

Araw 5

Sa Huling Hapunan, iniutos ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na makibahagi ng sakramento bilang isang paraan para maalala Siya. Kapag tumatanggap tayo ng sakramento bawat linggo maaalala rin natin ang Tagapagligtas.

  • Lucas 22:19–20

  • Kausapin ang mga magulang mo tungkol sa isang bagay na magagawa mo para maisip mo si Jesus sa sakramento sa Linggong ito.

Araw 6

Dahil mahal tayo ng Ama sa Langit at ni Jesus, pumarito si Jesus sa lupa upang magdusa para sa ating mga kasalanan upang mapatawad tayo at makabalik sa Ama sa Langit.

  • Lucas 22:41–44

  • Ano ang magagawa mo ngayon para ipakita kay Jesus na nagpapasalamat ka para sa Kanyang sakripisyo?

Araw 7

Matapos mailibing nang tatlong araw, nabuhay na mag-uli si Jesus. Dahil Siya ay nabuhay na mag-uli, tayo rin ay mabubuhay na mag-uli.