Pagpapatatag sa Ating Pamilya
Maaari kayong gumawa ng poster para tulungan ang inyong pamilya na maging mas matatag!
-
Sa tulong ng isang nakatatanda, gupitin ang mga block. Idikit sa papel ang mga block na nagpapakita ng mga bagay na ginagawa na ng inyong pamilya. Ang mga block na ito ang kakatawan sa pundasyon ng inyong pamilya.
-
Pumili ng isa pang block na nagpapakita ng isang bagay na gustong gawin o pagbubutihin pa ng inyong pamilya. Matapos ninyong kumpletuhin ang mithiing ito, idagdag ito sa inyong tore. Ilagay ang poster kung saan ito makikita ng lahat, at patuloy na magdagdag ng mga block para mapatatag ang inyong pamilya!
Panalangin ng pamilya
Family home evening
Pag-aaral ng banal na kasulatan ng pamilya
Pagliham sa isang missionary
Sama-samang paghahapunan
Sama-samang paglalaro
Pagbisita sa isang taong maysakit
Pag-alam sa mga kuwento tungkol sa ating mga ninuno
Isulat ang ilan sa sarili ninyong mga ideya sa mga blangkong block.