2015
Ang Biyaya ng Diyos ay para sa Lahat
September 2015


Pangako ng Propeta

Ang Biyaya ng Diyos ay para sa Lahat

“Ang biyaya ng Diyos ang ating dakila at walang-hanggang pag-asa.

“Sa pamamagitan ng sakripisyo ni Jesucristo, ang plano ng awa ang tumutugon sa mga hinihingi ng katarungan, ‘at nagbibigay ng daan sa mga tao upang sila ay magkaroon ng pananampalataya tungo sa pagsisisi’ (Alma 34:15).

“Ang ating mga kasalanan, bagama’t mapula, ay maaaring maging simputi ng niebe. Dahil ang ating pinakamamahal na Tagapagligtas ay ‘ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat’ (I Kay Timoteo 2:6), naglaan siya ng pasukan sa atin tungo sa Kanyang walang-hanggang kaharian. …

“Ngayon at magpakailanman ang biyaya ng Diyos ay para sa lahat na bagbag ang puso at nagsisisi ang espiritu. …

“… Dalangin ko na maipakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos at ang ating pasasalamat sa kaloob na walang-katapusang biyaya ng Diyos sa pagsunod sa Kanyang mga utos at masayang ‘[nag]lalakad sa panibagong-buhay’ (Mga Taga Roma 6:4).”