Quiz tungkol sa mga Kuwento ng Pamilya
Narito ang isang laro upang tulungan kayong mas marami pang malaman tungkol sa inyong pamilya at kanilang mga kuwento!
Paghahanda
-
Isipin ang apat na uri ng mga kuwento, tulad ng Nakakatawa, Kabataan, Espirituwal, o mga Bakasyon. Isulat ang bawat kategorya sa isang papel at idikit ito sa dingding.
-
Maghanap ng apat na kuwento ng pamilya para sa bawat kategorya. Hingin ang tulong ng inyong pamilya.
-
Mag-isip ng maiikling clue para sa bawat kuwento at isulat sa mga piraso ng papel.
-
Isulat ang 100, 200, 300, o 400 points sa kabilang panig ng papel. Idikit ang mga clue sa ilalim ng mga kategorya.
Paano Laruin
-
Hatiin ang mga manlalaro sa dalawang team. Ang sinumang sumulat ng mga clue ang siyang lider.
-
Ang unang team ay pipili ng isang kategorya at numero, tulad ng “Nakakatawa, para sa 200.”
-
Ang lider ang mag-aalis ng numero at magbabasa ng clue. Kung masasabi ng team ang kuwento na tugma sa clue, sa kanila mapupunta ang puntos!
-
Kung hindi nila alam ang kuwento, isasalaysay ng lider ang kuwento pero hindi niya ikukuwento ang isang detalye, tulad ng kung saan ito nangyari o tungkol ito kanino. Kung mahuhulaan ng team ang nawawalang detalye, kalahati ng puntos ang makukuha nila.
-
Ang kasunod na team ang pipili ng isang clue at maglalaro. Pagkatapos mapili ang lahat ng clue, ang team na may mas maraming puntos ang panalo!