Mga Lider Nating Kababaihan
Ang kababaihang ito ay mga asawa, ina, at lola. Narito ang iba pang nakatutuwang mga bagay tungkol sa kanila! Maaari kang mag-print ng mas maraming card sa liahona.lds.org.
Sister Linda K. Burton
General President ng Relief Society
-
Mahilig sa roller-skating, hopscotch, kickball, at pakikipaglaro sa mga kapitbahay noong bata pa siya.
-
Tinawag na Primary music director habang nakatira sa New Zealand noong tinedyer pa siya.
-
Nag-aral sa kolehiyo para maging guro sa elementarya.
Sister Carole M. Stephens
Unang Tagapayo sa Relief Society General Presidency
-
Ibinuklod sa kanyang mga magulang noong siya ay limang taong gulang, matapos mabinyagan ang kanyang ina at magsimbang muli ang kanyang ama.
-
Kumanta sa mga koro at naging captain ng isang drill team na tinatawag na Bonnie Lassies.
-
Nagturo sa seminary at gustung-gusto ang mga klase sa relihiyon. Nakilala ang kanyang asawa sa institute.
Sister Linda S. Reeves
Pangalawang Tagapayo sa Relief Society General Presidency
-
Lumaking naglalaro sa mga puno ng saging sa likuran ng bahay nila kasama ang kanyang apat na nakababatang mga kapatid na lalaki.
-
Mahilig mag-swimming at magbasa ng mga aklat sa kanyang mga apo.
-
Mahilig magbasa ng Aklat ni Mormon at mga kuwento tungkol kay Jesus.
Sister Bonnie L. Oscarson
General President ng Young Women
-
Noong bata pa siya, mahilig magbasa sa ilalim ng mga puno ng apricot at umakyat ng puno kasama ang dalawang kuya niya.
-
Naging art editor ng high school magazine at nag-aral ng literature at graphic design sa kolehiyo.
-
Nanirahan sa walong iba’t ibang estado ng U.S. at dalawang beses sa Sweden!
Sister Carol F. McConkie
Unang Tagapayo sa Young Women General Presidency
-
Mahilig magbasa noon sa attic ng kamalig kapag wala siyang ginagawa o maglaro sa halamanan at bukirin.
-
Nagbakasyon sa France isang tag-init noong tinedyer siya.
-
Sa kolehiyo, naging student teacher sa isang high school English class.
Sister Neill F. Marriott
Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency
-
Mahilig mangabayo noong bata pa siya, at sumakay sa lokal na parada ng rodeo.
-
Nabinyagan noong siya ay 22 taong gulang.
-
Ang una niyang trabaho ay sa isang library. Kalaunan, nakahiligan niyang magbasa ng mga bedtime story sa kanyang 11 anak.
Sister Rosemary M. Wixom
General President ng Primary
-
Kung minsan ay nakikipagpalit sa kanyang kakambal para biruin ang mga tao!
-
Nagturo sa ikatlong baitang nang makatapos ng kolehiyo.
-
Mahilig mag-aral tungkol sa geography at ngayo’y bumibisita sa ilang bansang pinangarap niyang bisitahin.
Sister Cheryl A. Esplin
Unang Tagapayo sa Primary General Presidency
-
Pinatay niya noon ang isang sunog at iniligtas ang kanyang kapatid na lalaki sa pagkatupok sa kanilang sakahan sa Wyoming, USA.
-
Mahilig magbasa at maglaro ng sports, lalo na ng basketball.
-
Nagturo sa eskuwela sa loob ng dalawang taon nang makatapos ng kolehiyo.
Sister Mary R. Durham
Pangalawang Tagapayo sa Primary General Presidency
-
Natutong huwag makipagsapalaran nang dumikit ang kanyang dila sa malamig na bakal.
-
Nag-aral ng pagsasayaw sa kolehiyo.
-
Bilang isang ina, para siyang narses, guro, baker, at hardinera, at may sarili siyang tool bag sa pagkukumpuni!