2015
Ano ang ibig sabihin ng ikawalong saligan ng pananampalataya nang sabihin nitong, ‘Kami ay naniniwala na ang Biblia ay salita ng Diyos hangga’t ito ay nasasalin nang wasto.’?
September 2015


Ano ang ibig sabihin ng ikawalong saligan ng pananampalataya nang sabihin nitong, “Kami ay naniniwala na ang Biblia ay salita ng Diyos hangga’t ito ay nasasalin nang wasto”?

Ang Biblia ay hindi mas mababa kaysa iba pang mga banal na kasulatan. Sinabi na ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Pinaniniwalaan, pinagpipitaganan, at minamahal namin ang Banal na Biblia. Totoong mayroon kaming karagdagang banal na kasulatan, … ngunit sinusuportahan nito ang Biblia, at hindi ito pinapalitan kailanman” (“Ang Himala ng Banal na Biblia,” Liahona, Mayo 2007, 81).

Sabi sa ikawalong saligan ng pananampalataya, “Naniniwala kami na ang Biblia ay salita ng Diyos hangga’t ito ay nasasalin nang wasto.” Noong panahon ni Joseph Smith, ang salitang magsalin ay hindi lamang nangangahulugang isalin ang isang wika sa ibang wika; maaari din itong mangahulugan na ilipat, iparating, bigyang-kahulugan, o ipaliwanag. At bagama’t may lumilitaw na mga pagkakamali sa iba’t ibang pagsasalin mula sa orihinal na Hebreo at Griyego, ang mas malaking isyu ay na sa paglalahad ng mga sinaunang teksto sa kasalukuyang panahon, “maraming malinaw at mahahalagang bagay [ang] inalis” (1 Nephi 13:28). Kaya, nang ang mga teksto ng Biblia ay ibinigay sa atin, may ilang katuruan na nawala. Isang dahilan iyan kaya napakaraming iba’t ibang interpretasyon ng mga tao sa Biblia, tulad ng naranasan ni Joseph Smith (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:12). Kaya ang isang paraan na nakakatulong ang makabagong paghahayag na linawin at pagtibayin ang mga katotohanan sa Biblia ay sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng iba pang mga katotohanang nawala (tingnan sa 1 Nephi 13:39–40).