2015
Ang mga Banal na Kasulatan ay Nakagawa ng Kaibhan sa Akin
September 2015


Ang mga Banal na Kasulatan ay Nakagawa ng Kaibhan sa Akin

Ang awtor ay naninirahan sa Metro Manila, Philippines.

Filipino young women in a class at church.

Sa Pilipinas, may mga science high school para sa matatalinong estudyante. Ang mga estudyante sa mga paaralang ito ay mas maraming subject, mas matagal ang oras sa klase, at maraming homework.

Ang ganitong uri ng kapaligiran ay mahirap para sa akin. Isinuko ko ang maraming bagay nang pumasok ako sa paaralang ito. Tumigil akong mag-aral na tumugtog ng mga instrumento. Halos wala akong dinaluhang mga aktibidad sa Simbahan, at paminsan-minsan ay hindi ako nakakasimba kapag Linggo para sa mga inter-school competition. Nahirapan akong dumalo sa seminary, kahit mayroon nito tuwing Sabado at Linggo.

Isang araw ng Sabado, sinabi sa amin ng seminary teacher ko na masyado siyang abala noong high school siya, pero nagawa pa rin niya ang kanyang mga assignment sa seminary at napag-aralan ang mga talata sa scripture mastery. Hinamon niya kaming gawin din iyon.

Sumisigla ako sa mga hamon, kaya tinanggap ko ang isang ito. Dinala ko ang mga scripture mastery card ko kahit saan. Nagdasal ako para humingi ng tulong na magawa ito sa kabila ng mga kailangan kong gawin sa paaralan. Ginamit ko ang bawat libreng oras ko. Nagsaulo ako ng mga banal na kasulatan habang nasa sasakyan papunta sa paaralan. Hindi ako gaanong nakikipagdaldalan at inilalabas ko ang mga card mula sa aking bulsa. Napansin ito ng mga kaibigan ko; naging bagong aktibidad namin ang pagbalasa ng mga scripture card sa oras ng meryenda at tanghalian. Tuwang-tuwa silang bigyan ako ng quiz. Ang ilan ay nagsimulang magdala ng mga banal na kasulatan—pati ang mga miyembro ng ibang relihiyon. Nagkuwento sila tungkol sa mga aktibidad nila sa kanilang simbahan. Nadama kong nagbago ang aking kapaligiran, at mas gumaan ang gawain at pakiramdam ko sa paaralan.

Sinundan ng tatlong nakababata kong kapatid na babae ang halimbawang iyon, at ngayo’y inaani ng pamilya ko ang mga pagpapala ng mga banal na kasulatan sa pagsasamahan namin sa bahay. Hindi lang iyon pagsasaulo ng mga salita; itinuro ng seminary teacher ko ang kaibhang magagawa ng mga banal na kasulatan sa akin at sa mga tao sa paligid ko. Alam ko na kahit ano pang hamon o pagsubok ang dumating sa aking pamilya at mga kaibigan, lagi kaming makakahanap ng lakas, patnubay, at kapahingahan sa mga salita ng ating mapagmahal na Tagapagligtas.