2015
Isang Bagong Damdamin
September 2015


Para sa mga Maliliit na Bata

Isang Bagong Damdamin

Ang awtor ay naninirahan sa São Paulo, Brazil.

“Espiritu’y bumubulong: ‘Ito ay totoo, ito ay totoo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 8.)

Product Shot from September 2015 Liahona

Gustung-gustong malaman ni Gabriel ang tungkol kay Jesus. Gustung-gusto niyang makinig sa mga kuwento mula sa mga banal na kasulatan. Sama-sama ang kanyang pamilya sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan gabi-gabi.

Isang maulang gabi, magkakatabi silang namaluktot sa kanilang mainit na tahanan. Si Itay ang nanalangin. At si Inay ang nagbasa ng mga kuwento mula sa Aklat ni Mormon. Sinikap ni Gabriel na makinig na mabuti. Binasa ni Inay ang tungkol kay Jesus na nakikipag-usap sa mga bata.

“Inay, kasama po ni Jesus ang mga bata?” tanong ni Gabriel.

“Tama,” sabi ni Inay. “At binasbasan Niya ang bawat isa sa kanila at nagdasal para sa kanila.”

May kakaibang nadama si Gabriel. Hindi niya alam kung ano iyon. Nakadama siya ng init kahit napakaginaw sa labas. Ngumiti siya nang todo.

Gusto ni Gabriel na ibahagi ang espesyal na damdaming ito. “Ako ay nakaramdan ng sobrang kasiyahan at pagmamahal!” sabi niya. Napakasaya niya na halos parang gusto niyang umiyak!

“Ang espesyal na damdaming iyan ay ang Espiritu Santo,” sabi sa kanya ni Itay. “Binibigyan ka niya ng masayang pakiramdam para tulungan kang malaman na ang mga banal na kasulatan ay totoo.”

Ngumiti si Inay at niyakap si Gabriel. “Sinasabi sa iyo ng pakiramdam na iyan na mahal ka ni Jesus.”

“Binabasbasan ako ni Jesus,” sabi ni Gabriel. “Tulad ng mga bata sa Aklat ni Mormon! Ipinadala niya sa akin ang Espiritu Santo!”

Hindi niya mapigil ang pagngiti. “Alam ko na ang mga banal na kasulatan ay totoo,” naisip niya. “Sinabi ito sa akin ng Espiritu Santo!”