2015
Gawing Mas Taimtim ang Panalangin
September 2015


Mga Kabataan

Gawing Mas Taimtim ang Panalangin

Itinuro ni Pangulong Eyring na mapagpapala ng matibay na ugnayan ninyo sa Ama sa Langit ang inyong pamilya. Mas mapapatibay ninyo ang inyong ugnayan sa Kanya kapag ginawa ninyong mas taimtim ang inyong mga panalangin! Narito ang ilang ideya para magawa ito:

Bago manalangin, isipin sandali ang gusto ninyong sabihin. Isipin ang mga bagay na gusto ninyong itanong o lumiligalig sa inyo—maaari pa nga ninyo itong isulat para hindi ninyo malimutan. Gamitin din ang sandaling ito para alisin sa inyong isipan ang mga nangyari sa maghapon para makatuon kayo sa magigiliw na pahiwatig ng Espiritu Santo. Kung hindi makatuon ang isipan ninyo habang nagdarasal kayo, subukang ilarawan sa inyong isipan na nakikinig ang Ama sa Langit. Maging partikular sa mga sinasabi. Gayundin, maghintay nang ilang minuto pagkatapos manalangin para makinig sa mga pahiwatig ng Espiritu. Maaari ninyong isulat ang inyong mga impresyon sa inyong journal.

Alalahanin na ang panalangin ay tinatawag na “isang uri ng gawain” (Bible Dictionary, “Prayer”), kaya huwag mag-alala kung kailangang praktisin ito o parang mahirap ito! Ang pagsisikap ninyong manalangin ay makakatulong sa inyo na magkaroon ng ugnayan sa Diyos na magpapala sa mga henerasyon.