Mga Kabataan
Pag-alaala sa Panginoon Araw-araw
Mga kaibigan, mga gawaing-bahay, mga homework, TV—napakaraming umaagaw sa ating pansin. Ngunit bawat linggo, nangangako tayo sa Ama sa Langit “na sa tuwina ay aalalahanin [natin ang Kanyang Anak na si Jesucristo]” (D at T 20:79).
Sinabi ni Pangulong Eyring na maaari tayong “gumawa ng mga pagpili araw-araw” na nakakatulong sa ating alalahanin ang Tagapagligtas. Subukang gumawa ng isang mithiin ngayong buwan upang mas maalaala ang Tagapagligtas sa bawat araw. Maaari kayong gumawa ng kalendaryo at mangakong gawin ang isang bagay bawat araw para patatagin ang inyong kaugnayan sa Kanya. Naglista si Pangulong Eyring ng mga bagay gaya ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan, pagdarasal nang may pananampalataya, at paglilingkod sa Tagapagligtas at sa ibang tao. Kasama rin ang pagsusulat sa journal, pagdalo sa mga pulong ng Simbahan, pakikinig sa pangkalahatang kumperensya, pagpunta sa templo, pag-awit ng mga himno—marami pang iba! Habang inalaala natin ang Tagapagligtas araw-araw, nangako si Pangulong Eyring na “ang mga pagpapala … ay dahan-dahan at unti-unting darating … [at] huhubugin tayo upang maging tunay na mga disipulo ng Panginoong Jesucristo.”