2017
Isang Inspiradong Tugon sa Isang Interbyu sa Trabaho
October 2017


Isang Inspiradong Tugon sa Isang Interbyu sa Trabaho

Gibrair Padilha Dos Santos

São Paulo, Brazil

man standing on clock

Mga paglalarawan mula sa Getty Images

Pagkatapos akong maatasang mamuno sa isang stake self-reliance committee, natanto ko na ako mismo ay hindi tugma ang kakayahan ko sa trabaho ko. Nang mapagtanto ko ito, naghangad akong magamit pa ang aking propesyon.

Nakadama ako ng hangaring maghanap ng mas mabuting trabaho at nagpatulong sa paggawa ng professional résumé. Ipinadala ko ang aking bagong résumé sa ilang kumpanya at hindi nagtagal ay tinawagan ako para sa mga interbyu.

Sa isa sa mga interbyu, binigyang-diin ng interviewer ang nasa résumé ko tungkol sa trabaho ko bilang counselor sa stake presidency at nagtanong, “Puwede bang sabihin mo sa akin sa loob ng limang segundo kung ano ang ibig sabihin ng serbisyong ito sa simbahan?”

Sinabi ko na nasa pamunuan ako ng isang organisasyon na responsable sa paggabay at kapakanan ng mahigit 2,500 tao. Naging interesado ang interviewer at nagsabing, “Mayroon kang isang minuto para magpasiya kung paano mo ako bibigyan ng limang-segundong sagot sa tanong na ito: paano mo ginagabayan ang 2,500 kataong iyon?”

Alam ko na dito ibabatay ang desisyon sa interbyu na ito. Nagdasal ako at humingi ng tulong sa aking Ama sa Langit at agad kong naalala ang mga lesson na natutunan ko mula sa self-reliance group. Nakadama ako kaagad ng kumpiyansa.

Pagkatapos ng isang minuto, nagtanong ang interviewer, “Paano mo ginagabayan ang 2,500 kataong iyon?”

“Tinutulungan namin silang magtakda ng mga mithiin,” sagot ko.

Tumindig ang interviewer, kinamayan ako, at sinabing, “Tanggap ka na.”

Kagila-gilalas kung paano ako tinulungan ng Diyos at dininig ang aking panalangin. Nagpapasalamat ako sa aking Tagapagligtas sa pagbibigay-inspirasyon sa ating mga lider na lumikha ng inisyatibo sa self-reliance. Ako mismo ay napagpala nito, at nakita ko ang simple, inspiradong mga proseso ng inisyatibo sa self-reliance na nagpala sa marami pang tao sa aming stake. Kumbinsido ako sa kakayahan ng mga alituntunin ng self-reliance na nag-aangat ng buhay kung kaya’t nang maging lider ako ng mahigit sa 15 empleyado sa bago kong trabaho, sinimulan kong ituro sa kanila ang mga alituntunin ng self-reliance.

Umunlad ako at mas may kakahayan ako kaysa inakala ko. Kumikita ako ngayon nang sapat para itaguyod ang sarili ko at ang aking pamilya. Tinutulungan tayo ng inisyatibong ito na humusay sa bawat araw sa pagtulong sa atin na mas lalong maging self-reliant.