2017
Alamin Bago Magpunta: Mga Binyag sa Templo
October 2017


Alamin Bago Magpunta: Mga Binyag sa Templo

Hindi na kailangang maghintay. Lahat ng karapat-dapat na miyembro, kabilang na ang mga kabataan at bagong miyembro, ay maaari nang maglingkod sa templo.

standing in front of temple doors

“Maging tunay na paladalo at mapagmahal tayo sa templo,” sabi ni Pangulong Howard W. Hunter (1907–95). “Dapat tayong magmadaling pumunta sa templo nang madalas … hangga’t itinutulot ng ating kalagayan. Dapat tayong magpunta hindi lamang para sa ating mga kamag-anak na namatay kundi para rin sa personal na pagpapala ng pagsamba sa templo, para sa kabanalan at kaligtasan sa loob ng pinabanal at inilaang mga pader niyon” (“A Temple-Motivated People,” Ensign, Peb. 1995, 5).

Ang payong ito ay angkop sa lahat ng miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw—kahit na ikaw ay miyembrong kamakailan lamang nabinyagan. Hangga’t ikaw ay karapat-dapat, hindi na kinakailangang maghintay bago ka makadalo sa templo. Oras na ikaw ay nabinyagan at nakumpirma, makakakuha ka na ng limited-use temple recommend.

Tutulutan ka ng recommend na ito na makapasok sa templo upang magsagawa ng mga proxy baptism at kumpirmasyon para sa mga yumaong ninuno. Habang ikaw ay naglilingkod at sumasamba sa templo, mapapalakas mo ang iyong patotoo sa ebanghelyo.

Tungkol sa una niyang karanasan sa templo, sinabi ni Natalia Lorena Figueroa na taga-Argentina, “Sa bautismuhan sa templo, pinanood ko ang pagbibinyag sa isang brother para sa lolo at mga tiyuhin ko. Pagkatapos ay nabinyagan ako para sa lola at mga tiyahin ko. Kamangha-mangha ang kagalakang nadama ko. Tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata, at nadama kong nag-alab ang aking dibdib nang higit kaysa rati.” Gayon din ang mga pagpapalang naghihintay sa mga karapat-dapat sa at gumagamit ng mga limited-use temple recommend.