2017
May Malasakit ang Ama sa Langit sa Aking Negosyo
October 2017


May Malasakit ang Ama sa Langit sa Aking Negosyo

Buyisile Zuma

KwaZulu-Natal, South Africa

woman sewing

Paglalarawan ni Allen Garns

Bilang ina na mag-isang nagtaguyod sa limang anak, nadama ko ang bigat ng responsibilidad ng pagtustos sa pangangailangan ng aking pamilya. Ako ay isang kasambahay, pero hindi sapat ang kinikita ko sa trabaho ko para matustusan ang pamilya ko. Sumali ako sa isang self-reliance group para malaman ko kung paano mapapabuti ang situwasyon ko.

Nabigyang-inspirasyon ako ng grupong “Starting and Growing My Business” at nagpasiya ako na maaari akong manahi at magbenta ng mga insulated bag para sa mga slow cooker. Tatahiin ko ang mga bag sa gabi pagkauwi ko mula sa trabaho ko sa araw.

Isang gabi tinatahi ko ang isang malaking bulto ng order na kukunin na kinabukasan nang umaga nang tumigil ang aking makinang panahi. Hatinggabi na noon kaya walang mekanikong makakatulong sa akin. May kasamang maliit na tool kit ang makina, pero hindi pa ako nakapagkumpuni ng makinang panahi. Wala akong ideya kung saan ako mag-uumpisa.

Pagkatapos ang lesson sa manwal na My Foundation na pinamagatang “Exercise Faith in Jesus Christ” ay pumasok sa isip ko. Nang sandaling iyon, alam ko na kailangan kong magtiwala sa Panginoon. Lumuhod ako at sumamo: “Ama sa Langit, tulungan po Ninyo ako na makumpuni itong makina para matapos ko po ang order na kukunin ng kostumer ko mamayang umaga. Ama sa Langit, tulungan po ninyo ako!”

At nadama ko ang malinaw na impresyon na kunin ang distornilyador sa tool kit at gamitin ito para itulak ang isang bahagi ng makina. Ginawa ko ito, na lubusang umaasa sa aking pananampalataya. Pigil ko ang aking hininga nang muli kong i-switch ang makina. Umandar ito!

Natapos ko sa oras ang ginagawa ko. Natuklasan ko kung ano ang pakiramdam ng maging kasosyo sa negosyo ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Alam kong patuloy akong mabibiyayaan sa paghahanap ng mga oportunidad na magamit ang natutunan ko sa self-reliance group.