Mula Paris Hanggang Sapporo
Nakatira kami sa magkabilang panig ng mundo, pero pareho ang pakiramdam namin nang itinayo ang mga templo malapit sa amin!
Ako si Rachel. Nakatira ako malapit sa Paris France Temple.
Talagang mahalaga ang templo sa ating buhay. Bago itinayo ang Paris Temple, nagpupunta ang aming pamilya sa Frankfurt Germany Temple nang ilang beses sa isang taon. Kailangan ng 10 oras na biyahe para makapunta roon at makabalik!
Labis kaming natuwa habang pinapanood namin ang pagtatayo ng bagong templo. Bawat linggo pagkatapos magsimba, dinadala kami roon ng mga magulang namin para makita namin ang nangyayari sa konstruksyon nito. Una ay sinira nila ang isang lumang gusali at humukay ng malaking butas. Pagkatapos ay sinimulan nilang itayo ang templo at pataas ito nang pataas. Hindi nagtagal naroon na ang bahay ng Panginoon!
Ako at ang mga kapatid ko ay sabik nang makapunta sa templo balang-araw. Ang panganay kong kapatid na si Esther, ang unang makapagsasagawa ng mga binyag. Sabik kaming lahat na makapunta na para magawa rin ito. Mahal namin ang templo at maligaya kami na mayroon na kami sa mismong lungsod namin!
Ako si Koshi. Nakatira ako malapit sa Sapporo Japan Temple. Gustung-gusto kong umuupo sa tabi ng bintana ng aming bahay at pinanonood ang pagtatayo ng templo.
Sa open house, inimbitahan ko ang kaibigan ko na sumama sa amin. Nagandahan siya sa lahat ng naroon.
Gusto kong isipin ang paglalaan ng templo bilang kaarawan nito. Iyon rin ang araw ng kaarawan ko. At ni Pangulong Monson rin! Nakapunta kami ng mga magulang ko sa templo nang ilaan ito.
Nagpapasalamat ako na nakatira ako malapit sa templo. Kapat nahihirapan ako sa eskuwela, maaari akong makapaglakad sa paligid nito sa pag-uwi ko. Dama ko ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa akin kapag naroon ako. Inaasam ko ang araw na makakapasok ako para magsagawa ng mga pagbibinyag at kalaunan ay maikasal doon.