Mga Larawan ng Pananampalataya
Ilir Dodaj
Durrës, Albania
Ang serbisyo o paglilingkod ay hindi palaging kumbinyente, ngunit bilang isang ama at bishop, sinikap ni Ilir Dodaj na ipakita sa kanyang mga anak na palaging sulit ito.
Cody Bell, retratista
Isang matandang babae sa ward ang nagkaroon ng tumor o bukol sa kanyang tiyan at kinailangan niya ng tulong sa bawat araw dahil hindi siya makagalaw sa kanyang kinahihigaan. Sa huli, itinanong niya kung maaari bang ako ang pumunta, hindi ang iba pang maytaglay ng priesthood o iba pang tao, dahil malubha ang kanyang karamdaman at mamamatay na siya. Panatag ang kalooban niya na tutulungan siya ng kanyang bishop.
Isang araw naoperahan ako sa puso, at hindi ko siya nadalaw nang ilang panahon. Nang bumalik ako para bisitahin siya, sinabi niyang, “Bishop, paano mo ako matutulungan niyan samantalang kaoopera mo lang?”
Sinabi ko sa kanya na, “Tungkulin kong maglingkod sa iba.”
Malapit na siyang mamatay at nanghihina na ang kanyang katawan. Ang hirap na makita siya sa gayong katayuan, pero hindi siya takot mamatay. Mahal niya ang Diyos at alam niya ang plano ng kaligtasan. “Alam ko na may magandang plano ang Panginoon para sa akin,” sabi niya.
Nang pumanaw siya, pinagnilayan ko ang mga karanasan ko sa kanya at kung gaano kainam ang tungkulin ko bilang bishop. Nagpapasalamat ako na nakapaglilingkod ako sa iba, minamahal ko ang iba, at natutulungan ko sila. Mahal ko ang ebanghelyo.