2019
Sydney, Australia
Pebrero 2019


Narito ang Simbahan

Sydney, Australia

Sydney Australia

Sa dalampasigan ng magandang likas na daungan sa Sydney ay nakatayo ang isang chapel kung saan nagkikita para magsimba ang 4 sa 309 na kongregasyon ng mga Banal sa mga Huling Araw ng Australia: bawat isa sa Ingles, Tongan, Espanyol, at Mandarin Chinese. Ang pagkakaibang ito ay normal sa Sydney, isang lugar na naimpluwensyahan ng maraming kultura mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang Simbahan ay ipinakilala sa Australia noong 1840 ng isang 17 taong gulang mula sa Great Britain, si William James Barratt. Bininyagan niya ang unang convert na taga-Australia, si Robert Beauchamp, na kalaunan ay naging mission president.

Ang mga naunang miyembro ng Simbahan sa Australia ay dumanas ng mararahas na pag-atake sa mga pahayagan, at maraming miyembro ang nandayuhan sa Utah, USA. Gayunpaman, patuloy na nanindigan ang mga Banal sa mga Huling Araw na taga-Australia, at sa paglipas ng mga taon, lumago ang Simbahan. Ngayon, ang Australia ay tahanan sa mahigit 151,000 na mga miyembro, at ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nakatanggap ng papuri mula sa mga pahayagan sa pagbibigay ng emergency humanitarian relief kasunod ng mga natural na kalamidad tulad ng malalaking sunog at bagyo.

  • Ang unang mission sa Australia ay nagbukas noong 1851, at may anim na mission na ngayon.

  • Ang unang LDS meetinghouse sa Australia ay itinayo sa Brisbane noong 1904.

  • Ang Sydney Australia Temple ay inilaan noong 1984, na sinundan ng mga templo sa Adelaide (2000), Melbourne (2000), Perth (2001), at Brisbane (2003).