2019
Ang Mahabang Paglalakbay ni Elder Holland
Pebrero 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Ang Mahabang Paglalakbay ni Elder Holland

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa buong mundo para mag-minister sa mga tao at magturo tungkol kay Jesucristo.

Elder Hollands Long Trip

Sina Elder Jeffrey R. Holland at Sister Patricia Holland kasama sina Pangulo at Sister Nelson ay naglakbay para bisitahin ang mga miyembro ng Simbahan sa buong mundo. Bumisita sila sa walong bansa. Sa bawat lugar, nakita nila ang libu-libong tao na napakasaya na makakita ng isang propeta at isang apostol!

Halos lahat ng lugar na kanilang binisita ay mayroon na o malapit nang magkaroon ng templo! ●

Ang una nilang pinuntahan ay Jerusalem, Israel. Nakita nila ang Bundok ng mga Olibo, isang lugar kung saan nagturo si Jesus sa mga disipulo, at ang Lumang Lungsod ng Jerusalem, kung saan naglakad si Jesus.

Pagkatapos ay bumisita sila sa Kenya, isang bansa sa Africa na tatayuan ng isang templo. Hinikayat ni Elder Holland ang mga tao na tipunin ang kanilang family history at pumunta sa templo kapag natapos na ito. “Walang anupamang bagay ang mas magpapala sa inyo,” sabi niya.

Sina Pangulong Nelson at Elder Holland ay nasabik na bisitahin ang mga miyembro ng Simbahan sa India. Naghanap sila ng isang lugar kung saan maaaring itayo ang isang templo doon. Ito ang magiging unang templo sa bansang iyon, na mayroong mahigit na isang bilyong tao!

“Mayroon akong patotoo na palagi nating makakasama ang Diyos. Binigyan Niya tayo ng isang propeta para gabayan tayo. Hinding-hindi Niya tayo pababayaan. Hinding-hindi Niya tayo iiwang nag-iisa.”