Ang Aking Notebook sa Kumperensya
Pangkalahatang Kumperensya ng Oktubre 2018
Mga Gagawin Ko sa Kumperensya
“Sabi sa akin ng isang kaibigan, habang binabasa raw niya ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, gumagawa siya ng listahan ng mga ipinagagawa sa atin ng mga pinuno ng Simbahan. Pagkatapos ay ginagamit niya ang listahan upang magtakda ng mga mithiin na makatutulong sa kanya na masunod ang kanilang payo. Nagpasiya akong magsimula ng sarili kong listahan. Nakagawa ito ng kaibahan para sa akin habang pinagninilayan ko ang mga mensahe at iniisip kung ano ang kailangan kong gawin. Talagang tinutulungan ako nitong pagtuunan ng pansin ang pinakamahalaga.”
—Edna Washburn, Utah, USA
Pagnilayan Ito …
“Ibinibigay ba natin ang lahat sa Panginoon nang walang pag-aalinlangan?”
Cristina B. Franco, Pangalawang Tagapayo sa Primary General Presidency, “Ang Galak sa Di-Makasariling Paglilingkod,” Liahona, Nob. 2018, 56.
Ibahagi ang iyong mga naiisip sa Liahona Facebook page o itala ang mga ito sa iyong journal!
“Ang pinakamagagandang bagay sa buhay na ito ay nakasentro kay Jesucristo at pag-unawa sa walang hanggang mga katotohanan kung sino Siya at kung sino tayo sa ating kaugnayan sa Kanya.”
Elder Jack N. Gerard ng Pitumpu, “Panahon Na,” Liahona, Nob. 2018, 109.
Mas Malalim na Pag-aaral
Pagtataglay ng Kanyang Pangalan
Ipinaalala sa atin ni Pangulong Russell M. Nelson ang kahalagahan ng pagtataglay ng pangalan ng Tagapagligtas sa ating sarili—kapwa bilang mga disipulo ni Cristo at bilang mga miyembro ng Kanyang Simbahan. “Kapag inaalis natin ang Kanyang pangalan sa Kanyang Simbahan, sadyang inaalis natin Siya bilang pinakamahalagang pinagtutuunan ng ating buhay,” sabi niya.
“Kasama sa pagtataglay ng pangalan ng Tagapagligtas ang pagpapahayag at pagsaksi sa iba—sa ating mga salita at gawa—na si Jesus ang Cristo” (“Ang Tamang Pangalan ng Simbahan,” Liahona, Nob. 2018, 88). Inanyayahan din tayo ng maraming iba pang mga pinuno na pagnilayan kung paano natin higit na matataglay ang Kanyang pangalan sa ating sarili.
-
Inanyayahan tayo ni Pangulong Henry B. Eyring na itanong sa ating sarili ang dalawang bagay: “Ano ang dapat kong gawin para taglayin ko sa aking sarili ang Kanyang pangalan?” at “Paano ko malalaman kung umuunlad ako?” (“Sikapin, Sikapin, Sikapin,” Liahona, Nob. 2018, 91).
-
Nagmungkahi si Elder Robert C. Gay ng tatlong paraan na matataglay natin ang pangalan ng Tagapagligtas sa ating sarili (tingnan sa “Taglayin sa Ating Sarili ang Pangalan ni Jesucristo,” Liahona, Nob. 2018, 97–99).
-
Itinuro ni Elder Paul B. Pieper ang ibig sabihin ng tunay na taglayin ang pangalan ni Jesucristo (tingnan sa “Lahat ng Tao ay Kailangang Taglayin sa Kanilang Sarili ang Pangalang Ibinigay ng Ama,” Liahona, Nob. 2018, 43–45).
Isaalang-alang ang pagtatala sa iyong journal ng iyong mga naiisip at nadarama habang pinag-aaralan mo ang ibig sabihin ng pagtataglay ng pangalan ng Panginoon sa iyong sarili.
12 Bagong Templo Ibinalita
-
Ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga plano upang magtayo ng 12 bagong templo, ang pinakamalaking bilang ng mga templo na ibinalita sa iisang araw. Ang mga bagong templo ay itatayo sa:
-
Auckland, New Zealand
-
Davao, Philippines
-
Lagos, Nigeria
-
Mendoza, Argentina
-
Phnom Penh, Cambodia
-
Praia, Cape Verde
-
Puebla, Mexico
-
Salvador, Brazil
-
San Juan, Puerto Rico
-
Washington County, Utah, USA
-
Yigo, Guam
-
Yuba City, California, USA