2019
Pagkilala sa Iyong Pamilya
Pebrero 2019


Mula sa Unang Panguluhan

Pagkilala sa Iyong Pamilya

Halaw sa talumpating ibinigay sa Roots Tech 2018 Family Discovery Day.

Getting to Know Your Family

Nagsisimula ang family history kapag nakilala mo ang iyong mga ninuno. Sila ay mga totoong tao na nabuhay bago ka isinilang at bahagi ng inyong pamilya. Kailangan nating mabuklod sa ating mga ninuno para makapiling natin sila sa susunod na buhay.

Kapag nakilala mo ang iyong mga ninuno, ikaw ay:

  • Magiging mas masaya at may tiwala sa sarili.

  • Hindi makadarama na ikaw ay nag-iisa.

  • Magkakaroon ng kaalaman na ang bawat tao ay mahalaga sa paningin ng Ama sa Langit.

Narito ang tatlong paraan para matamo mo ang mga pagpapalang ito:

  1. Tuklasin kung sino ang iyong mga ninuno.

  2. Magtipon ng mga kuwento tungkol sa kanila at ibahagi ang mga ito nang paulit-ulit!

  3. Iugnay sila sa iyong pamilya sa pamamagitan ng pagdadala ng kanilang mga pangalan sa templo. Maaari silang mabinyagan at magawan ng iba pang mga ordenansa, tulad ng pagpapabuklod sa kanila sa iyong pamilya magpakailanman.

Ang aking inang si Stella Oaks ay namatay bago naipanganak ang sinuman sa aming mga apo. Kaya ako at si Sister Oaks ay nagdaos ng isang “Stella party” para tulungan silang makilala siya. Sumulat ang mga miyembro ng pamilya ng isang aklat tungkol sa kanya at sa aking ama. Maaari mo ring mas makilala pa ang iyong mga ninuno. Magbibigay ito sa iyo ng lakas at direksiyon sa buhay. ●