Kumusta mula sa Mexico!
Ako si Margo. At ako naman si Paolo. Naglalakbay kami sa iba’t ibang bansa bawat buwan para malaman ang tungkol sa mga anak ng Diyos sa buong mundo. Samahan niyo kami sa aming pagbisita sa Mexico!
Ang Mexico ay nasa Hilagang Amerika. Mayroong mahigit 120 milyong tao dito. Humigit-kumulang sa 1.5 milyon sa kanila ay mga miyembro ng Simbahan.
Ang pangunahing wika sa Mexico ay Spanish o Español. Narito ang Aklat ni Mormon sa Español. Alam ba ninyo? Sa Español, ang ibig sabihin ng pangalan ni propetang Alma ay kaluluwa.
Ang pamilya ay napakahalaga sa mga taga-Mexico. Kadalasang nagtitipon ang mga pamilya tuwing walang pasok para magkasiyahan. Pinapalo ng mga batang ito ang piñata na puno ng mga prutas at kendi!
Alam ba ninyo na ang tsokolate ay naimbento sa Mexico? Isa sa mga sahog ng pagkaing mole poblano ay tsokolate. Ang sabaw nito ay mayroong mga sili, mani, prutas, at pampalasa! ¡Delicioso!
Mahilig ka ba sa fútbol? Ito ang pinakasikat na laro sa Mexico!
Mayroong 13 templo sa Mexico. Narito ang larawan ng magagandang templo sa lungsod ng Mexico at Tijuana.
Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Mexico!
“Mayroon akong problema isang araw, at nalungkot talaga ako. Pumunta ako sa simbahan at nakinig sa mga patotoo tungkol kay Jesus. Nadama ko ang Espiritu Santo, at napasaya ako nito. Alam kong tinulungan ako ng Ama sa Langit na maging masaya.” Abby D., 7 taong gulang, Puebla, Mexico
“Alam kong nakikipag-usap ngayon ang Ama sa Langit sa propeta tulad ng ginawa Niya noon. Kung pakikinggan at susundin ko ang propeta, ako ay pagpapalain, at tutulungan ako nitong maging mas katulad ni Jesus.” Benjamin D., 9 na taong gulang, Puebla, Mexico
Salamat sa paglalakbay sa Mexico kasama namin. Hanggang sa muli!