Pagsunod kay Jesus
Si Jesus ay Nabinyagan
Nakakita na ba kayo ng isang taong binibinyagan? Kapag tayo ay bininyagan, sinusunod natin ang halimbawa ni Jesus.
Hiniling ni Jesus sa kanyang pinsan na si Juan na binyagan Siya. Si Juan ay may awtoridad ng priesthood para magbinyag ng mga tao.
Itinanong ni Juan kay Jesus kung bakit gusto Niyang mabinyagan. Sinabi ni Jesus na gusto Niyang sundin ang mga kautusan ng Ama sa Langit.
Bininyagan ni Juan si Jesus. Nadama nila ang Espiritu Santo. Narinig nila ang tinig ng Ama sa Langit na nagsabi, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.”
Darating ang araw na makapipili rin akong mabinyagan, tulad ni Jesus. Makapaghahanda ako sa binyag sa pamamagitan ng pagsisikap na maging tulad ni Jesus araw-araw. ●