Kailangan Natin ang Isa’t Isa
Naranasan mo na bang humarap sa isang pagsubok sa iyong buhay na sinubukan mo talagang itago dahil natatakot ka sa maaaring isipin ng iba? Naranasan ko na at ng pamilya ko. Naghirap kami sa loob ng maraming taon habang pinapanood ang pakikibaka ng aking kapatid sa adiksyon sa droga.
Sa pahina 16, makikita ninyo ang paliwanag ng isang psychologist tungkol sa adiksyon, paano ito maiintindihan, paano ito malalaman, paano nito naaapektuhan ang mga pamilya, at paano ka makatutulong. Susunod dito ang sarili kong kuwento kung paano ako naapektuhan at hinubog ng adiksyon ng aking kapatid sa nakalipas na dekada.
Bagamat nais nating mapagtagumpayan ang mga pagsubok nang tayo lang mag-isa at mamuhay nang perpekto, ang katotohanan ay kailangan natin ang isa’t isa dahil wala ni isa sa atin ang hindi dumaranas ng mga pagsubok. Sadyang tayo ay dapat “magpasan ng pasanin ng isa’t isa” (Mosias 18:8), at maipapakita ng Tagapagligtas kung paano ito taos-pusong gawin kung hahayaan natin Siya. Umaasa ako na sisikapin nating maunawaan, makiramay, at magmahal kaysa mabilis na humatol. Sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng karadagang kapayapaan at kaligayahan sa anumang pagdaraanan natin.
Chakell Wardleigh
Mga Magasin ng Simbahan