Pagpapaabot ng Tulong kay Ken
Ang awtor ay naninirahan sa Taiwan.
Ginabayan ng kamay ng Panginoon ang aking pagsisikap na mag-minister.
Noong 16 taong gulang ako, lumipat ako sa isang Taiwanese ward. Si Ken, isang 13 taong gulang, ay kabibinyag pa lamang. Pero di nagtagal matapos siyang mabinyagan, halos hindi na dumalo si Ken sa simbahan. Malaki ang aking hangarin na tulungan si Ken na makabalik sa simbahan. Niyaya ko siya sa ilang akitibidad sa Simbahan. Naglaro si Ken ng basketball sa Mutual at sumali sa youth choir. Siya at ang kapatid niyang si Linda ay nagsimula ring dumalo sa libreng klase ng Ingles kung saan nagtuturo ang aking pamilya at ang mga missionary. Di nagtagal ay nagsimula na ring dumalo si Linda sa mga aktibidad ng mga kabataan. Nakita kong tinulungan kami ng Diyos.
Nagtaka ang pamilya ni Ken kung bakit sinusubukan ng aking pamilya na tulungan sina Ken at Linda. Sinabi namin sa kanila na nagbigay sa amin ng labis na kagalakan ang ebanghelyo, at talagang nais namin na magkaroon ang iba ng ganoon ding kagalakan at kapayapaan mula sa Tagapagligtas. Kalaunan, tinanggap nina Linda at Ken ang aming paanyaya sa kanila na magsimba. Pumunta si Linda at nagkaroon ng napakagandang karanasan. Gayunman, nagkasakit si Ken, at nang manalangin ako kung ano ang magagawa ko para tulungan siya, nakatanggap ako ng inspirasyon na dalhan siya ng sakramento. Sa pahintulot ni bishop, pumunta ang aming pamilya sa bahay niya, at ako at ang aking kapatid na lalaki ay nagbahagi ng sakramento sa kanya. Dinalaw rin namin ang kanyang pamilya. Nakadama ako ng kapayapaan.
Ipinagdasal ng aming pamilya si Ken, at kaming lahat ay nakadama ng pagmamahal para kay Ken at sa kanyang pamilya. Ang mga kabataan at mga nakatatanda sa ward at stake ay nagpatuloy sa pakikipagkaibigan kina Ken at Linda. Ang pinagsamang pagsisikap ng mga miyembro na maglingkod ay tumulong kina Ken at Linda na madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas. Ang karanasang ito ng pagsisikap na maglingkod na tulad ng Tagapagligtas ay naghatid ng malaking kagalakan sa aking buhay. Ang ministering ay gawain ng Panginoon, at dahil ito ay Kanyang gawain, ang Kanyang kamay ang gagabay sa ating pagsisikap na mag-minister.