Ang Tipan sa Binyag
Gupitin at paghalu-haluin ang mga kard na ito. Pagkatapos ay maghalinhinan sa pagpapares ng mga kard na magkakatugma. Sa bawat pares, pag-usapan ang tungkol sa bahaging ito ng tipan sa binyag.
“Taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ng iyong Anak” (Doktrina at mga Tipan 20:77).
Susundin ko si Jesucristo.
“Magpasan ng pasanin ng isa’t isa” (Mosias 18:8).
Tutulungan ko ang iba.
“Lagi siyang alalahanin at sundin ang kanyang mga kautusan” (Doktrina at mga Tipan 20:77).
Araw-araw kong sisikapin na sundin ang mga kautusan.
“Sa tuwina ay mapasakanila ang kanyang Espiritu upang makasama nila” (Doktrina at mga Tipan 20:77).
Maaari akong pagpalain ng Ama sa Langit na makasama ang Espiritu Santo.