Ang Aking Notebook sa Kumperensya
Pangkalahatang Kumperensya ng Abril 2019
Tahanan, Isang Makalangit na Lugar
“Kami ay umaasa at nananalangin na ang tahanan ng bawat miyembro ay magiging isang tunay na santuwaryo ng pananampalataya, kung saan makapananahanan ang Espiritu ng Panginoon. Sa kabila ng kaguluhan sa paligid natin, ang tahanan ng isang tao ay maaaring maging payapang lugar, kung saan ang pag-aaral, pagdarasal, at pananampalataya ay malalakipan ng pagmamahal.”
Pangulong Russell M. Nelson, “Pangwakas na Mensahe,” Liahona, Mayo 2019, 111; idinagdag ang pagbibigay-diin.
Paggamit ng Pangkalahatang Kumperensya sa Home Evening
Lagi kong nadarama noon na dapat kong subukang gamitin ang mga mensahe sa kumperensya para sa mga lesson sa family home evening. Noong una ayaw kong gawin. Mga bata pa ang mga anak ko, mahihirapan silang unawain ang mga mensahe, at hindi ako sigurado kung may mga paksa na magugustuhan ng mga bata. Pero alam ko na kailangan kong subukan.
Ang paggamit ko ng mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay hindi lamang ganap na nagpabago ng aming mga family home evening para sa mga anak ko, kundi nagkaroon din kami ng magagandang talakayan tungkol sa ebanghelyo. Kahit may kasamang gulo at ingay paminsan-minsan, may maliliit ding himala na lubos na nagpapasaya sa aming pamilya.
Jessie Christensen, Utah, USA
Maaari mong ibahagi ang iyong karanasan tungkol sa pangkalahatang kumperensya sa pamamagitan ng pagsusumite nito sa liahona.ChurchofJesusChrist.org o sa facebook.com/liahona.
“Ang maliliit na ginagawa natin nang may pananampalataya ay kinakailangan para matanggap ang mga pangako ng Diyos.”
Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mananagana sa Pagpapala,” Liahona, Mayo 2019, 71; idinagdag ang pagbibigay-diin.