Hello mula sa Russia!
Hi, kami sina Paolo at Margo.
Samahan kami sa aming pagbisita sa Russia!
Russia ang pinakamalaking bansa sa buong mundo! Ang lawak nito ay umabot sa dalawang kontinente: Europa at Asya. Ang pambansang hayop ng Russia ay ang brown na oso.
Ang alpabeto ng mga Ruso ay gumagamit ng letrang Cyrillic. Narito ang karatula sa isang gusali ng Simbahan sa Russia at ang Aklat ni Mormon sa wikang Ruso.
Ito ang Saint Basil’s Cathedral, isa sa pinakabantog na lugar sa Russia. Maraming tao sa Russia ang kabilang sa Russian Orthodox Church. Sila ay mga Kristiyano, na ibig sabihin ay naniniwala sila kay Jesucristo, tulad natin!
Sa Russia, ang unang araw sa paaralan ay tinatawag na Knowledge Day. Ang mga bata ay kumakanta, sumasayaw, at nagdadala sa kanilang titser ng mga bulaklak.
Napakapopular ng sopas sa Russia! Ang batang lalaking ito ay kumakain ng cabbage soup na tinatawag na shchi.
Noong nakaraang taon, ibinalita ni Pangulong Nelson na isang templo ang itatayo sa Russia. Napakasaya ng mga miyembro ng Simbahan sa Russia! Ito ang magiging unang templo sa napakalaking bansang iyon.
Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Russia. Hanggang sa muli!