2019
Mga Sulat ni Pablo
Setyembre 2019


Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Mga Sulat ni Pablo

Larawan
Pauls Letters 1
Larawan
Pauls Letters 2
Larawan
Pauls Letters 3

Tumulong si Apostol Pablo na pamunuan ang Simbahan pagkamatay ni Jesus. Noong panahong iyon, walang mga telepono o internet. Kaya sumulat si Apostol Pablo sa mga miyembro ng Simbahan.

Sumulat si Pablo sa mga tao sa lungsod ng Corinto. Sinabi niya sa kanila na patawarin ang iba. Sinabi niya sa kanila na maging matiisin. Sumulat siya tungkol kay Jesus.

Sumulat si Pablo sa mga tao sa isang lugar na tinatawag na Galacia. Sinabi niya sa kanila na mahalin ang kanilang kapwa. Sinabi niya sa kanila kung paano mararamdaman ang Espiritu.

Ang mga sulat ni Pablo ay napakahalaga kaya’t naging bahagi ang mga ito ng Biblia. Mababasa mo ang mga ito sa Bagong Tipan.

Maaari akong matuto mula sa mga turo ni Pablo. Pakikinggan ko ang mga itinuturo ng propeta at ng mga apostol ngayon!

Print