2019
Mahal Naming mga Magulang
Setyembre 2019


Mahal Naming mga Magulang

Larawan
Dear Parents

Napakasayang taon ito para sa mga templo sa iba’t ibang dako ng mundo! Nailaan na ang mga templo sa Italy, Democratic Republic of the Congo, Brazil, Haiti, at Portugal. Ilan pang mga templo ang muling inilalaan. Ang magasin na ito ay may ilang artikulo tungkol sa mga templo. Ang inyong mga anak ay maaaring:

  • Pag-aralan ang mga tanong para sa temple-recommend (pahina K11).

  • Gayahin ang ginawa ni Mei nang malaman niya ang tungkol sa isang kapamilya na kinakailangang gawan ng mga ordenansa sa templo (mga pahina K12–K13).

  • Magbasa ng isang kuwento tungkol sa unang pagpunta sa templo ng isang bata (mga pahina K14–K15).

Mahahanap ba ng inyong mga anak ang lahat ng salitang templo na nakasulat sa magasin? Maaari silang magpraktis na isulat ang pangungusap na “Gusto kong makita ang templo” at magdrowing ng larawan ng inyong pamilya na nasa templo. Gusto naming makita ang inyong mga larawan!

Paano napagpala ng mga templo ang inyong buhay?

Ang Kaibigan

Print