2019
Family History, Mga Paraan sa Paggawa
Setyembre 2019


Family History, Mga Paraan sa Paggawa

Family History, Step by Step

Hi, ako si Mei.

Nakita ko ang larawang ito sa lumang kahon. Sa likod nito, nakita ko ang pangalang Fumiko.

Sinabi ng nanay ko na larawan ito ng aking lola-sa-talampakan na si Fumiko. Gusto kong alamin pa ang tungkol sa kanya.

Tiningnan naming muli ang kahon at nakakita ng isang lumang liham na isinulat ni Fumiko at marami pang mga larawan. Masaya na malaman pa ang tungkol sa kanya.

Nagpunta kami sa FamilySearch.org at idinagdag si Fumiko sa aming family tree. Inilagay namin ang petsa ng kaarawan niya at ang petsa kung kailan sila ikinasal ng kanyang asawang si Hiroshi.

Idinagdag din namin doon ang larawan ni Fumiko. Ngayon kung sakali mang mawala o masira ang mga litrato, may makikitang kopya ng mga litrato sa online ang aking pamilya.

Hindi nabinyagan si Fumiko noong nabububuhay pa siya, pero ngayon nasa edad na ako para makapasok sa templo at magpabinyag para sa kanya.

Gumawa kami ng kopya ng pangalan ni Fumiko at impormasyon tungkol sa kanya. Pagkatapos ay pumunta kami sa templo at nagpabinyag ako para sa kanya!

Nang makauwi na ako sa bahay, isinulat ko ang tungkol dito sa aking journal. Balang-araw umaasa ako na makikita ko ang aking Lola Fumiko. Gusto kong malaman pa ang tungkol sa kanya at tungkol sa aming buong pamilya!