2019
Ano ang Iniisip Mo?
Setyembre 2019


Ano ang Iniisip Mo?

Di-magtatagal at papasok ako sa templo sa kauna-unahang pagkakataon at kinakabahan ako sa interbyu para sa temple recommend. Anong mga bagay ang itatanong ng bishop? —Kabado sa Acapulco

Larawan
Whats on Your Mind

Mahal Naming Kabado,

Ang listahan sa ibaba ay nagpapakita ng mga uri ng mga bagay na itatanong sa iyo ng iyong bishop o branch president. Maaari mo siyang tanungin kung hindi mo nauunawaan ang kahulugan ng isang bagay. Maaari ka ring magpasama sa iyong magulang kung gusto mo.

Mahal ka namin!

Ang Kaibigan

  • Nananampalataya ka ba sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo?

  • Sinusuportahan mo ba ang iyong mga lider sa Simbahan (tulad ng propeta, mga apostol, at iyong bishop)?

  • Pinananatili mo bang malinis ang iyong isip at katawan?

  • Sinisikap mo bang tuparin ang tipang ginawa mo noong binyagan ka?

  • Sinusunod mo ba ang mga kautusan?

  • Tapat ka ba?

  • Nagbabayad ka ba ng buong 10-porsiyentong ikapu?

  • Sinusunod mo ba ang Word of Wisdom?

  • Naniniwala ka ba na karapat-dapat ka na makapasok sa bahay ng Panginoon?

Kahit hindi ka pa makakapasok sa ngayon sa templo, maaari ka ring kumuha ng temple recommend kung nasa Young Women ka o isa kang maytaglay ng Aaronic Priesthood. Tumutulong ito sa iyo para maalala mo na manatiling karapat-dapat na makapasok sa templo!

Print