2019
Bumisita si Elder Rasband sa Cape Verde
Setyembre 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Bumisita si Elder Rasband sa Cape Verde

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa buong mundo upang magministeryo sa mga tao at magturo sa kanila ng tungkol kay Jesucristo.

Elder Rasband Visits Cape Verde
We Can Help Too

Si Elder Ronald A. Rasband at ang kanyang asawang si Sister Melanie Rasband, ay bumisita sa Cape Verde. Ito ay isang magandang bansa na binubuo ng 10 isla malapit sa baybayin ng Africa.

Bumisita si Elder Rasband sa isang paaralan para sa mga batang estudyante. Marami sa kanila ang walang mga magulang para mag-alaga sa kanila. Pumila sila para kamayan siya. Gustung-gusto iyon ni Elder Rasband. Siya at si Sister Rasband ay may 27 na apo!

Bumisita rin sila sa isang bukid. Ang mga miyembro ng Simbahan ay natutong mag-alaga ng mga baboy at iba pang mga hayop doon para masuportahan nila ang kanilang pamilya.

Sabik ang mga tao na marinig ang sasabihin ni Elder Rasband. Ito ang unang pagkakataon na may bumisitang Apostol sa kanilang bansa!

“Mahal kayo ng Diyos. Mahal kayo ng Tagapagligtas.”

—Elder Ronald A. Rasband

Maaari Din Tayong Tumulong!

Ang Simbahan ay nagbibigay ng pera para matulungan ang paaralan ng mga bata na binisita ni Elder Rasband. Narito ang mga paraan kung paano mo maibabahagi ang iyong pera sa mga batang katulad nila!

  • Kapag nagbabayad ka ng ikapu, magdagdag ng sobrang pera sa sobre.

  • Isulat ang halaga ng sobrang pera sa linyang nagsasabing “Humanitarian Aid.”

  • Isara ang sobre at ibigay ito sa iyong bishop o branch president.

  • Ang iyong pera ay makakatulong sa mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa maraming paraan!

Apat na bata ang nagbigay ng perang donasyon sa Humanitarian Aid Fund ng Simbahan. Sundan ang mga hugis sa landas para makita kung saan ginamit ang pera ng bawat bata.

  • Mga paaralan

  • Mga pagkain at gamot

  • Mga wheelchair

  • Tulong pagkatapos ng mga baha at mga lindol