Ang Kahalagahan ng Katatagan
Noong naglilingkod ako bilang mission president sa Uruguay mula 1994 hanggang 1997, madalas kong ihalintulad ang gawaing misyonero sa pag-aaral sa kolehiyo. Sinasabi ko sa mga missionary na ang pagmimisyon ay parang pag-aaral ng kursong nagtuturo ng katatagan at tiyaga, kabilang ang iba pang pag-uugali, na makatutulong sa kanila na mapaghandaan ang pagiging asawa at magulang sa hinaharap.
Nakalulungkot na ilan sa kabataan ngayon ang hindi nakahanda sa mahirap na hamon ng buhay. Kulang sila ng tinatawag kong “kahalagahan ng katatagan.” Makikita natin ang kakulangang iyan ng katatagan sa mga college freshmen, sa mga bagong recruit sa militar, at maging sa ilang full-time missionary.
Bilang mga magulang, mahal natin ang ating mga anak at gusto natin ang pinakamakakabuti sa kanila. Gusto nating maging mas madali ang pamumuhay nila kaysa naranasan natin. Ngunit tayo—at ang kulturang ipinamumuhay natin ay maaaring may mga ginagawa na humahantong sa di-sinasadyang paghina ng kanilang katatagan.
Salamat na lang at may solusyon. Matatagpuan ito sa pagsasabuhay ng mahahalagang alituntunin ng ebanghelyo na makatutulong sa ating mga kabataan na maging mas katulad ng Tagapagligtas (tingnan sa Lucas 2:52). Sa pagtanggap at pagsasabuhay ng mga alituntuning ito, na tinalakay ko sa simula ng pahina 12, tiwala ako na pagpapalain tayo ng Panginoon upang mapalakas ang ating mga kabataang lalaki at babae na inihanda Niya upang harapin at kayanin ang mga hamon ng buhay ngayon.
Elder Lynn G. Robbins
Ng Pitumpu